Kabanata 7: The Good Samaritan

898 16 0
                                    

Nalaglag ang panga ko at hindi kaagad nakasagot sa sinabi niya. Ano daw? Pasukin ang buhay niya? Ano ako, pulis? Na basta na lang hahalughugin ang isang bahay kapag may warrant of arrest? Hindi ganoon kadali iyon. Kung papasok ka sa isang buhay ng tao, dapat may plano ka, may gusto kang alamin at may maganda kang intensyon. Pero sa kaso namin ngayon ni Jackson? Ni makita nga siyang muli ay wala sa plano ko, ang manghimasok pa kaya sa buhay niya?

"Ganoon na ba ako kabangis? Porket hindi na ako nadadamitan ng maayos? Matanong nga kita Trixie. Ano ang tingin mo saakin? Masama ba ako? Manyakis? Walang alam sa buhay?" naitikom ko ang aking bibig at napahigpit ang hawak ko sa railing ng bus.

Bakit napunta sa ganito ang usapan? Bibili lang ako ng maiinom at uuwi na sana, iyon ang nasa plano ko. But, why I feel this sympathy towards him? Bakit ang lungkot niya ngayon? Malayong Jackson ang na sa harapan ko ngayon, parang hindi siya si Jackson na brusko.
Muli akong hindi nakasagot at umiwas ng tingin. Nalapunok ako at lumayo ng kaonti sa kanya. Shit! Ba't pa kasi ako sumakay ng bus? Dapat tumakbo na lang ako kanina. Goodness! Wala akong balak makinig sa kanya, ang importante ay makaalis na ako ngayon. Huminto ang bus ng may bumabang pasahero. Nabakante ang upuan na iyon at walang balak umupo. Tinagilid ko ang aking ulo at uupo na sana ngunit inunahan ako ni Jackson. Nginisian niya ako at inalalayan ang isang lola na umupo doon.

Umawang ang labi ko at pinagmasdan si Jackson pabalik sa kinatatayuan niya. Totoo ba itong nakita ko? Tinulungan ni Jackson iyong matanda? Shit! Namamalikmata lang yata ako! Brusko siya! Brusko! Iyon ang una kung tingin sa kanya, pati si Jelay at Beatrice ay iyon ang tingin sa kanya. Pero bakit iba ang pinapakita niya ngayon? Nagpapakitang tao ba siya saakin? Napakurap ako at inirapan siya ng inismiran niya ako. Bwisit! Pakitang tao nga! Ano ang akala niya? Na madadaan niya ako sa pagiging good samaritan niya?

"Nag aalala ka saakin Trixie. Sabihin mo na kasi, type mo ako ano?" nagpantig ang tenga ko sa narinig at nanlilisik ang matang napatingin sakanya. Demonyong demonyo ang ngisi niya! Mukhang may binabalak siya!

"Excuse me? Hindi ako nag aalala sa'yo!" ganti ko ngunit tumawa lang siya at tumalbog ang ID niya.

Dumako naman ang tingin ko doon at nabasa ang buong pangalan niya. Jackson Ruiz Jacalne Javier. Ngunit ang talagang nakaagaw ng pansin ko ay ang litrato niya doon. Seryoso ang mukha at walang mababakas ni kahit anong emosyon sa mukha niya. Gulo gulo ang buhok niya at naka eye liner pa. Mas lalong na depina ang mata niya.

"Kung ganoon, bakit mo ako linapitan? Huwag mo ng ideny. Alam ko namang gusto mo ako" parang umusok na ang ilong ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha!

"Shota mo si Greg? Bastedin mo siya at liligawan kita" ani niya.

"Buang ka ba? Eh kung iuntog kaya kita sa salamin? I will not dump Gregorio just for you! You're not even my type!" tumawa naman siya ngunit sumeryoso rin ang mukha.

"Kung ganoon, gagawa ako ng paraan upang mag kagusto ka saakin. Brusko ako Trixie. Ako ang shoshotain mo, hindi si Gregorio" kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at napahawak ng mahigpit sa railing. Bwisit!

Ano'ng karapatan niya para sabihin iyon? God! Ito ba ang ugali niya? Ang mangaagaw ng girlfriend sa ibang lalaki? Parang mauubusan naman siya ng babae sa mundo. At bakit ako? Goodness! Ang kapal ng libag niya! Liligawan niya ako dahil matatalo nanaman siya ni Greg? Parang iyong sa Math Quiz Bee nila? Mandadaya siya?

"Pwede ba, tinulungan lang kita kanina dahil para kang baliw! Eskandaloso ka! At ito na ang huling araw na makikita mo ako. Leave me alone Jackson" makahulugan kung sabi.

"Hindi, hindi kita lulubayan. Oo eskandaloso akong tao, gusto mo akong subukan? Huh Trixie?" sumilay ang kaba sa dibdib ko noong humakbang siya papalapit saakin. Nanlaki ang mata ko ng ilapit niya ang kanyang mukha saakin at nginisian ako.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon