Epilogue

2.1K 38 3
                                    

Salamat sa pagbasa! Susunod na ang Everlasting. I'd Rather Kabanata 1 posted! :)

WARNING: May pagkaSPG!

"Anak, pumayag kana sa kagustuhan ng papa mo. Kailangan niya si Orlando upang matuloy na ang pagpapatayo niya ng planta para sa bago niyang proyekto." nabitawan ko ang kubyertos at napapikit ng mariin sa sinabi ni mama. Ilang beses ko ng naririnig sa kanya ang bagay na 'yon. Alam naman niyang tatanggihan ko parin ang kagustuhan nila ngunit pinipilit parin nila ako sa deal na 'yon. I don't fucking care about that deal anyway.

"Ma, ilang beses ko bang sasabihing ayoko? Wala akong kaalam-alam sa negosyo." sambit ko.

"Pero anak, tuturuan ka naman ng papa mo. I know you can do it. Please, pagbigyan mo na si Francisco."

Paulit ulit na lang ang eksenang 'yon sa tuwing uuwi ako sa mansyon ng Ortega. Laging ako ang pinaguusapan nila sa hapag. Nabibingi at naiirita na ako sa kanila, ayoko lang maging bastos kaya hanggat kaya ko pa ay pilit kong binabagay ang sarili ko sa kanila. I've done a lot of pain. Sanay na akong nag-iisa at walang karamay sa buhay. Ngayong nakakatayo na ako sa sariling paa ay saka pa sila dumating. I can't blame mama Santa. Kahit hindi man niya nababanggit saakin na hindi niya ako tunay na anak. Wala na akong magagawa, hindi ko siya pwedeng sisihin dahil wala na siya. Mama Santa take care of me, hindi man maganda ang pagtrato niya saakin ay malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Malaki ang paghihirap na dinanas ko sa Ortega. Hindi man nila ako sinasaktan ng pisikal ay nasasaktan naman nila ang ego ko. Pilit nila akong binago sa kagustuhan nila. Walang wala ako noong iniwan ako ni Trixie. My life is hell since she left me. I am so depressed. Wala ako sa sarili. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na sumama sa mga Ortega noong namatay si mama Santa. Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na iniwan na ako ng babaeng mahal ko. Pero ang hirap paniwalaan. Walang gabi na hindi ako umiiyak. Nagkukulong ako sa kwarto at pinagmamasdan ang kwintas na binigay ko sa kanya. Kung hindi pa ako pupuntahan ni Sharlene sa kwarto ay hindi ko na alam kung ano'ng pwede kong gawin sa sarili maalis lamang sa isipan ko si Trixie. I feel neglected.

"Nakapagisip isip kana ba, iho? Malapit na kitang ipakilala sa mga kaibigan ko. Natutuwa ako at sa wakas ay nahanap ka namin. Our life is miserable simula noong nangyari ang aksidenteng 'yon."

Napabuntong hininga na lang ako at hindi sumagot sa sinabi ni papa. Hindi ko ramdam ang pagmamahal nila saakin. Pakiramdam ko ginagamit lang nila ako para sa negosyo. Hindi nila inintindi ang nararamdaman ko bilang isang anak. Linunod ko ang sarili sa alak at hindi umuuwi sa mansyon. Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko pagkarating ko sa bahay at sinalampak ang sarili sa sahig. Hindi lang ako sa pamilya nahihirapan kung hindi pati ang pagsuyo kay Trixie.

Alam kong hindi ganoon kadali sa kanya dahil hindi ko sinabi ang totoong ugnayan ko sa babaeng napagkamalan niyang pinalit ko sa kanya. I was really shocked that day. Hindi ko alam ang gagawin. Sising sisi ako noong araw na 'yon. Tinitigan ko ang litrato niya sa phone ko. Hinaplos ko ang pisngi niya na para bang tunay siyang nasa tabi ko. I really want to win her back again. Walang makakapigil saakin. Kahit na ang pamilya ko.

"No. Ayoko, dadalo ako sa party kasama si Trixie. Pero ang makasama ang anak ng kaibigan mo ay hindi ko magagawa. Hell, no." nag-igting ang panga ni papa at napatayo sa kinauupuan niya.

"Sige, magmatigas ka pa, Jackson! Para sa'yo ang ginagawa ko, para sa ikabubuti ng buhay mo! Don't try me, son, kapag sinabi kong tatanggalan kita ng mana ay gagawin ko."

Parang gumuho ang mundo ko sa binitawan niyang salita. Ang alam ko ay ayos na. Ang alam ko ay napamahal na saakin ang pamilya ko ngunit nagkamali ako. Naramdam ko na ang pagmamahal nila saakin sa Palawan pero pakitang tao lang pala dahil kasama namin ang pamilya ng Nisce. Sinubukan kong tumakas at umuwi noong araw na 'yon ngunit hindi ko nagawa. I am so lost in my own family.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon