Pasensya na sa mga maling typo at grammar sa previous chapters! Ieedit ko 'yon kapag nakaluwag ako sa oras. Hihi.
"Are you sure about this, Trixie?" Napahinto ako sa pag-aayos ng mga damit ko sa maleta at napatingin kay Carlos na ngayon ay nakaekis ang kamay sa dibdib. Nakataas ang isang kilay niya at mariing nakatitig saakin habang nakatayo sa may bukana ng pinto. Huminga ako ng malalim at binaling ang tingin sa ginagawa ko.
"You'll miss me, don't you, couz?"
"I'm serious here. How about your studies? Bakit ka sasama kay Auntie Mina sa probinsya? Is it about that fucker?" nagpantig ang tenga ko sa narinig.
"Carlos, if you are concern, well thanks. Babalik ako after two weeks, semestral break naman na kaya ayos lang kung sasama ako kay Auntie Mina. And about Jackson," tumigil ako at humugot ng tamang salitang sasabihin.
"Kailangan ko na siyang kalimutan. I need to unwind, at kung mananatili ako dito sa Manila ay baka magkita nanaman kami. I want to take a break, so please."
Napagdesisyonan kung sumama muna kay Auntie Mina sa La Union. I want something new. I want to refresh my mind and heart. At hindi ko iyon magagawa hanggat nanatili ako dito sa Manila. Sabihin nanating experience lang si Jackson. Dalawang buwan na ang nakalipas, and hell, hindi ko parin siya makalimutan kaya naman ako na mismo ang lalayo.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay bumaba ako para uminom ng malamig na tubig. Natatakot ako at the same time ay excited. Ano kaya ang meron sa probinsya na wala dito sa siyudad? Iniisip ko pa lang na puro bundok at bukid ang makikita ay gusto ko ng magliwaliw. Sabi ni Auntie Mina ay ilang oras lang naman ang biyahe papuntang La Union at hindi naman liblib ang lugar na 'yon.
"'Yong mga bilin ko, huwag mong kakalimutan. Nagkakaintindihan ba tayo, Trixie?" ani mommy sa malungkot na boses. Tumawa ako ng mahina at umakbay sakanya.
"Opo, 'my, atsaka, kasama ko naman si Auntie Mina. I will be fine." napabuntong hininga siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Gilbert, mamimiss ko ang anak natin." pagsusumbong niya kay daddy at nagpunas ng luha niya.
Tumawa kami ni daddy at linapitan si mommy. Nagpapasalamat ako at pumayag silang sumama ako kay Auntie Mina. Noong una ay tutol si mommy dahil unang beses ko daw sa probinsya at wala akong makakasama doon. Sa huli ay napapayag namin siya ni daddy. Masasanay naman ako kapag tumagal ako doon. At isa pa ay dalawang linggo lang naman ako doon.
Dahil maliit lang naman ang bahay nila Auntie Mina sa probinsya ay napag desisyunan nila mommy na tumira muna ako sa katabing bahay ng kaibigan ni Auntie Mina.
"Itext mo kami kapag nakarating na kayo doon, kung may problema ay sabihin mo. Alam mo namang kaya uuwi si Ate Mina ay dahil sa anak niya. Minsan mo lang siya makakasama sa bahay." bilin ni daddy.
"Yes Sir!" ani ko at sumaludo pa. Tumawa naman siya at inakbayan si mommy.
Linapitan ko si Carlos matapos niyang ayusin ang maleta ko sa sasakyan. Nagulat siya noong yumakap ako sa kanya.
"Hey, hey! I hate incest!" hinampas ko siya at binatukan.
"That's my way how to say goodbye, idiot!" inikutan niya ako ng mata at tumabi kay mommy.
Nagkaroon pa ng maraming bilin sila daddy bago kami tuluyang umalis. Tinanaw ko ang bahay namin habang paliit ito ng paliit saaking paningin. I will miss my family, kahit dalawang linggo lang ako doon. Nakapagpaalam na ako kila Antonette, George, David at Juaquin kahapon kaya alam nilang aalis na ako ngayon.
Huminga ako ng malalim at sinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan. Forget him, Trixie. Forget Jackson.
Natulog lang ako buong biyahe since ala una kami lumuwas. Nagising ako ng tapikin ni Auntie Mina ang balikat ko.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...