Kabanata 22: Ako parin

719 23 0
                                    

"Happy 3rd monthsary, sweety" hinalikan ni Greg ang gilid ng labi ko at binigay saakin ang bouquet ng bulaklak. Malawak ang ngiti sa labi kung kinuha 'yon sa kanya at hinalikan ang pisngi niya.

"Greg, happy monthsary" dinamba niya ako ng mahigpit na yakap at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Napahagikhik ako at humiwalay sa kanya.

"Ay sus! Hayan nanaman 'yang tibok ng puso mo e. Napakabilis" namula naman ang mukha niya sa sinabi ko at tinakpan 'yon gamit ang palad niya. Tumawa ako at pilit na tinanggal ang kamay niya sa mukha.

"Halika na nga, kain na tayo. Gutom na ako" ngumuso siya ngunit nagpahila parin saakin papasok sa isang fast food chain.

Well, we're celebrating our 3rd monthsary. Who would have thought? Na aabot sa tatlong buwan ang relasyon namin. Masasabi kung, this is the happiest love life I had ever experienced. Walang araw na hindi pinapakita at sinasabi saakin ni Greg kung gaano niya ako kamahal. I feel the same way too. I am totally in love with Greg. Hindi ako nagsisising, I chose him, over Jackson.

Tatlong buwan narin ang nakalipas simula noong huli kung nakita si Jackson. Wala na akong balita sa kanya. Well, mas mabuti na 'yon dahil wala ng gumugulo sa isipan ko. Siguro ay masaya na sila ni Heidi. I am happy to them. Masaya ako sa piling ni Greg. Though, sumasagi parin minsan si Jackson sa isipan ko. Ngunit, hindi katulad noon na nagagawa niyang pabilisin ang tibok ng puso ko. Si Greg na lang ang may kayang gawin noon. Napapadaan kami sa plaza minsan ni Greg, pero, laking tuwa ko at hindi namin nakikita si Jackson.

Maybe this is our destiny. We are destined to knew each other. Pero hanggang doon lang 'yon. Hanggang doon na lang ang papel ni Jackson sa buhay ko. Yes, I was hurt. Nasaktan ako sa sinabi niya noong huli kaming nagkita. Masaya ako, dahil kapalit noon ang pagiging loyal at faithful ko kay Greg. Siguro ay dumaan lang si Jackson sa buhay ko upang bigyan ako ng lesson. He's a good teacher then. Nagawa niyang turuan ako kung paano siya mahalin kahit may boyfriend na ako. Kahit masakit man ang naidulot niya saakin. I still consider him as my teacher. Kasi, siya rin ang nagturo saakin kung paano lumimot ng mga taong, dadaan lang sa buhay ko at iiwan din.

Inaamin ko naman sa sarili kung, minahal ko si Jackson. Three months ago. At hanggang ngayon, nakatatak parin sa isipan ko ang sinabi niya bago ako tinalikuran. Maiikonsidira kung, three months ago was just a nightmare. Dahil kung totoo man 'yon, sana binigyan niya ako ng chance para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

"What do you want, sweety" pinaghila ako ng upuan ni Greg habang siya ay nakatayo sa gilid ko. Ang balak nga sana niya ay sa isang restaurant kami kumain. Kaso, sinabi kung dito na lang dahil gumastos nanaman siya ng malaki noong nakaraang pasko at bagong taon.

"Ikaw ng bahala, Greg" nakangiti kung sabi.

"Okay then, wait me here, sweety" ani niya bago pumanhik.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at kinuha ang phone ko sa bag. May ilang text doon mula kay Carlos at Antonette.

Carlos:
What the fuck, Trixie?! Nag bake ka tapos hindi mo hinugasan ang ginamit mo! Shit! Gagawin niyo pa akong katulong niyang boyfriend mo!

Napailing ako at napahagikhik. Kasalanan na niya 'yon. Aba'y sinabi ko bang bigyan niya ng day off ang mga kasambahay tapos ngayon magrereklamo siya? Sinunod ko namang binasa ang text ni Antonette.
Antonette:
Nasaan ka? OMG, Trix! Andito ako ngayon sa isang public school! Battle of the band! Ang pogi noong vocalist! Ahhhh!

Napailing iling ako at sinilid ang phone ko sa bag. Hindi na ako nag abalang replyn pa ni isa sa kanila. Lalo na si Antonette, mapapahaba lang ang paguusap namin kung rereplyn ko pa siya. Ilang sandali pa at bumalik ba si Greg. Halos malaglag ang panga ko ng makita ang inorder niya. Sa sobrang dami ay kailangan pa niyang magpatulong sa waiter.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon