Marami akong plano dito sa Merciless, kahit gustong gusto ko ng umpisahan ang Everlasting at I'd Rather. Lul. Inspire me please. #SoontoCarlos
"A-ano? Huwag mo akong daanin sa ingles mo dahil hindi ako magaling sa lengwaheng iyan! At hindi ako manyakis!" napaawang ang labi ko sa gulat at nanlilisik ang matang tumitig sa kanya. Aba'y pinagloloko yata ako ng lalaking ito! Hindi raw manyakis e katatapos niya nga lang marating ang sukdulan!
"Stay away from me, Jackson. Ayaw nakitang makita at pakidelete narin ang number ko, pwede?" nagsalubong ang kilay niya at tumayo. Pansin ko rin ang paggalaw ng panga niya sa sinabi ko. But, who cares? Masama siyang tao.
"At bakit? Hindi mo pa naman shota si Greg ah, ayos lang kung textmate tayo. Iyon ay kung ibigyan mo ako ng pagkakataon" Nagpantig ang tenga ko at nadisgusto sa sinabi niya. At paano niya nalaman na hindi ko pa boyfriend si Greg? Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili ko.
"Ano ba ang gusto, Jackson? Tinaboy mo na ako noon ah. Iniwasan kita, pero bakit heto ka at kinakausap parin ako? Ano ba ang habol mo!" umiwas naman siya ng tingin at pinagekis ang kamay sa dibdib niya. That sharp jaw. Sobrang tulis at pwede ng pantasa.
God! Why am I even fantasizing his sharp jaw?
"Umalis ka na Jackson, tigilan mo na ako dahil alam ko kung anong baho ang tinatago mo" mabilis niyang binaling ang tingin saakin at dumilim ang mukha niya. Pansin ko ring kumuyom ang kanyang kamao. Nakadama ako ng takot ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay upang maikubli ang takot ko.
"A-no? Anong sinabi sa'yo ni Greg?" linapitan niya ako ngunit umatras ako. Napalunok ako at napahawak ng mahigpit sa sling ng bag ko. Shit! Kinakabahan ako.
"Ano'ng baho ang sinasabi mo? Malinis akong tao!" tumawa ako ng peke. Goodness! Bakit nga pala kami nag aaway ng lalaking ito? Kung tutuusin ay pwede ko siyang talikuran. Natatakot lang ako na baka mag eskandalo siya dito sa school.
"For you information, Mr. Javier. Walang kinalaman si Greg dito, dahil ako mismo ang nakakita sa kababuyan mo!" kumunot ang noo niya at tinignan ako ng mariin.
"Una, wala akong balak sa'yo, I just wanted to say sorry for judging you, for bullying those kids na hindi mo pala sila binully. Pangalawa, hindi ako BHW o kahit ano pa mang uri ng trabahador sa baranggay. Pangatlo, manliligaw ko si Greg at sasagutin ko na siya mamaya. So stop bothering me. Pangapat, I saw you earlier. You and that girl, in the Janitor's Room" nanlaki ang mata niya at nailagay ang kamay niya sa gilid niya. Kitang kita ko rin ang pamumutla ng mukha niya sa sinabi ko. Bull's eye, Jackson! Akala niya siguro hindi ko malalan ang sikreto niya.
"Now tell me Jackson, malinis ka ba? At kung nakikipaglapit ka saakin dahil gusto mo ang pera ko. Tell me, bibigyan na lang kita. Hindi mo ako magiging biktima, Mr. Javier. So please, leave. Bago pa ako tumawag ng guwardiya. Hindi ka pwedeng pumunta dito, unless may appointment ka. Siguro ay dumaan sa back gate" inismiran ko siya at pinulot ang libro ko sa damuhan.
There I said it, siguro naman ay tatantanan na niya ako dahil nabuko ko ang sikreto niya at hindi na niya ako guguluhin pa. At isa pa, ayoko ng makaabot pa ito kay Greg. Baka kung ano pa ang isipin niya at kinakausap ko ang lalaking ito. Tinignan ko siya na ngayon ay tulala parin sa kawalan at nakaawang ang labi. Napailing ako at tinalikuran siya, ngunit nakakaisang hakbang palang ako ay nahawakan na niya ang braso ko. Tinignan ko siya ng masama at nag pumiglas ngunit hindi ko magawa.
"Ano ba, Jackson! Bitawan mo nga ako! Hindi ako makikipag sex sa'yo! Never, ever! Stop pesting around!" Nag salubong ang kilay niya at diniinan ang pagkakahawak sa braso ko.
"Ang alam ko iba ka sakanila, Trixie, pero, pareparehas lang pala kayo. Ang dudumi ninyo mag isip" Kumunot ang noo ko at hindi sumagot.
"Nakikipaglapit ako sa'yo dahil pakiramdam ko may awa ka saakin. Puro pera na lang ang tingin ninyo saakin. Hindi ko kailangan ang pera mo, dahil kung iyon man ang sadya ko. Matagal na sana kitang ninakawan" Unti unting nalusaw ang puso ko sa tono ng boses niya. Nasaan na ang bruskong Jackson? Bakit ngayon, puno ng kalungkutan ang mata niya. Katulad noong umiiyak ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomansaSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...