"Hey hey Trixie, are you okay?" mula sa malalim na pag iisip ay tinapik ako ni Greg at pinaharap sa kanya.
"Trixie, I'm worrying. Iniisip mo parin ba iyong nangyari kanina?" napakurap ako at tumitig sa malulungkot niyang mata.
Napalunok ako at tumitig sa kawalan. Damn it! What is wrong with me? Kanina pa nakaalis si Jackson, ngunit hanggang ngayon ay naglalaro parin saaking isipan iyong sinabi niya kanina. Makahulugan ang bawat salitang binitawan niya, and keeps on bothering me. Ako ba ang next suspect niya? Goodness! Bakit ganoon siya? Parang may pagbabanta sa boses niya, at bakit siya nakikikabit? Sex lang ba ang habol niya sa babeng iyon? But why? Bakit siya nakikipag sex sa hindi niya kasintahan?
"Greg" naisambit ko at nanginginig ang kamay na hinawakan ang braso ni Greg. Matapos makaalis ni Jackson ay bigla na lang niya akong kinaladkad dito sa parking lot.
"What is it, sweety? Goodness! You're shaking! Nag aalala ako sa'yo, Trixie" halos hysterical na siya at hindi mag kandaugaga sa paghawak sa kamay ko. Linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko at ngumiti ng pilit.
"I'm okay, Greg. Nagulat lang ako sa nangyari" sabi ko. Yes, as in na gulat ako. Ang daming bumabagabag sa aking isipan.
Bakit sila magkilala ni Greg? Ano ang nais niyang iparating sa sinabi niya? Aagawin niya ba ako kay Greg? Makikipag sex rin siya saakin? Oh my God! Hindi naman yata makatarungan iyon! At bakit niya ako binabantaan! Akala ko ba ay ayaw na niya akong makita? Jackson is confusing me, like hell!
"You are not okay, Trixie! Shit!" hinaplos ko ang kamao niya upang kumalma. Ngayon ko lang nakita ang ganitong galit at pag alala sa muka ni Greg. And it's all because of Jackson.
"Ayos lang ako, ikaw ang kumalma Greg" hinaplos ko ang pisngi niya at dinaop ng palad ko ang mukha niya. Unti unti ay lumambot naman ang mukha niya at hinaplos ang kamay kung nakadaop sa kanya.
"Natakot ka ba kanina? Ano'ng sinabi sa'yo ni Jackson? Kilala mo ba siya?" nabitawan ko naman ang mukha niya at sumilay ang kaba sa dibdib ko. God! Ano'ng sasabihin ko? Baka magwala pa siya kapag sinabi kung naging harsh si Jackson saakin. Ngayon pa at nanumbalik nanaman ang apoy sa mata niya.
"W-wala. Ano, mag iingat lang daw ako" pagsisinungaling ko at umiwas ng tingin. Nagpalpitate ng husto ang puso ko sa sinabi ko. Shit! Nagawa kung nag sinungaling? For the sake of Jackson?
"You should, Trixie. Mapanganib ang lalaking iyon" bumalik ang mata ko sa kanya at nagtatakang tumitig. What's with Jackson? Ano ba ang meron sa lalaking iyon?
"Ikaw, ba't mo siya kilala? You had a past with him?" napabuntong hininga naman siya at pinagsiklop ang daliri namin. Lumamabot nanaman ang mukha niya ngunit andoon parin 'yong galit. And now, I'm curious. Really.
"Yes, kalaban ko siya noong elementary hanggang highschool sa Math Quiz Bee. Natigil lang iyon noong mag college na ako. 4th year pa lang siya, just like you. He always win, pero lagi naman siyang nandaraya" hirap niyang sabi na parang ayaw na niyang alalahanin pa ang pangyayaring iyon. So Jackson is a Math Wizard too. Kung ganoon matalino siya, in a bad way.
"Bakit siya nandaraya? Kung hindi siya matalino sa Math, eh bakit siya ang inilalaban?" tumawa naman siya at hinaplos ang buhok ko.
"He is genious, Trixie. Pero mas matalino ako sa Math, hindi niya matanggap na nanalo ako sa kanya noon. Hanggang sa isang araw ay nandaya siya, at simula noong araw na iyon ay lagi na siyang nananalo" nginitian pa niya ako at hinaplos ang pisngi ko. Kitang kita ko naman ang pait ng nakaraan sa mata niya sa sinabi niyang iyon.
"Avoid him Trixie, walang sinasanto si Jackson. He is merciless. Ayokong magtagpong muli ang landas ninyo. God, not you Trixie" nagulat na lang ako ng bigla niya akong yinakap na halos mayupi na ako sa bisig niya.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...