Ilang beses akong napamura sa aking isipan at iritadong galaw ng galaw sa kinauupuan ko. Fuck! How could him drag me inside his car! Lalaki siya at babae ako, mas malakas siya kaysa saakin.
"You're not comfortable?" mahinahon ang boses niyang tanong habang nasa kalsada parin ang tingin. Hindi ako sumagot at umirap sa hangin. Bwisit! Napakabrusko parin! Na akala mo ay parang kay dali lang magpatawad matapos kang saktan.
Kung may lakas lang ako ng loob na buksan ang pintuan at tumalon palabas ay ginawa ko na. Napahilot ako sa sintido at pinahinga ang ulo ko sa headrest ng upuan. Gusto ko siyang murahin at saktan ng pisikal sa pinaggagagawa niya. Kung akala niya ay mapapatawad ko siya at kakausapin ng matino sa pwersahan niyang pagsama saakin dito sa sasakyan niya ay pwes, nagkakamali siya. Dahil sa ginagawa niyang ito ay mas lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa kanya.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya at ramdam ko ang panaka-naka niyang pagsulyap saakin. Nanatili ang tingin ko sa labas at hindi lumikha ng ingay. I don't want to talk to him, naaalibadabaran ako. Naiirita ako sakanya!
"You're mad," gusto kong tawanan ang sinabi niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hindi lang ako basta galit, Jackson, dahil sukdulan ang pagkamuhi ko sa'yo.
Kung alam ko lang sana na magiging ganito ang kahihinatnan ko sakanya ay sana hindi ako nagpasulot. Sana kami pa ni Greg ngayon. Napapikit ako ng mariin. Why am I even thinking about that? Nangyari na, e. Kahit papaano ay may magandang naidulot saakin ang ipinaranas niyang sakit noon. Magdidilim na at mukhang uulan dahil makulimlim. Liniko niya ang sasakyan sa daanan papuntang CSI.
"Saan mo ako dadalhin? Will you please stop the car!" hindi ko na napigilan pa ang bibig ko at napasigaw. Fuck! Hindi ko mailabas ang galit ko!
Pansin ko ang paglunok niya at kinagat ang ibabang labi. Hinampas pa niya ang manibela at mas binilisan ang pagdadrive.
"Fuck!" mura niya. "I am not taking you anywhere, I just want to talk to you."
"Nagpapatawa ka ba? Wala akong sasabihin sa'yo kaya kung maari sana ay ibaba mo ako."
"No way in hell, Trixie."
Halos kumulo ang dugo ko sa sinagot niya at huminga ng malalim upang kalmahin ang naghaharumentado kong katawan. Ano ba'ng gusto niya! God! Pinapainit niya ang ulo ko! Nang huminto ang sasakyan sa tabi ng puno ng Acacia sa gilid ng diversion road ay mabilis akong bumaba. Padabog kong sinara ang pintuan at aalis na sana ngunit mabilis niya akong hinila at sinandal sa sasakyan niya.
"Fuck, ano ba!" tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya at linapit saakin ang mukha niya dahilan upang tumahimik ako.
Halos manlaki ang mata ko ng makitang magkadikit na ang ilong namin at titig na titig siya sa mukha ko na para bang ngayon niya lang ako natitigan ng ganito kalapit. Muling sumilay ang kaba sa dibdib ko ng hindi man lang siya kumarap at sinuri ang mukha ko.
"I hate it, I fucking hate how your mouth open." mariin niyang sabi bago humiwalay at tumalikod. Napamura siya at sinipa ang bato sa sahig.
Habol habol ko ang aking hininga ng humiwalay siya. Amoy na amoy ko parin ang mabango niyang hininga at pabango na bago sa pang amoy ko. Naguguluhan na talaga ako, paano siya naging instant big time sa loob ng dalawang taon? His car, his scent, his clothes. How he utter every word. He is not the Jackson the way he used to be, two years ago. Napaatras ako ng muli siyang humarap at tinukod ang dalawang kamay niya sa sasakyan. Pinantay niya ang ulo saakin mariing tinitigan.
Habol habol ko ang aking hininga dahil sobrang lapit niya saakin. Tinagilid ko ang aking mukha ng mas lalo pa niyang ilapit ang mukha saakin dahilan upang dumikit ang ilong niya sa pisngi ko. Libo libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko sa ginawa niya. Nanginginig narin ang tuhod ko sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomantizmSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...