Ilang beses akong nag paikot-ikot sa salamin upang matiyak kong ayos na ba itong suot ko. I am wearing a simple grey dress, black stiletto na hindi naman ganoon kataas ang takong. Bumuntong hininga ako at hinubad ang stiletto. Kung mag doll shoes na lang kaya ako? Masyado yatang pormal ang suot ko samantalang mag lulunch lang naman kami ni Jackson, with the Ortegas. Pilit kong pinasok saaking isipan kung saan ko nga ba nakita ang apelyidong Ortega. Ang alam ko ay narinig ko na noon ang apelyidong 'yon at nabasa sa city. Binabagabag ako. Iyon ba ang apelyido ng sugar mommy niya?
Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin kong pagsama sa kanya. Kinakabahan ako at the same time ay natatakot. Sino ang mga Ortega at ano'ng kinalaman noon sa buhay ni Jackson? Tinanong ko siya tungkol sa bagay na 'yon ngunit hindi niya sinagot. Ang sabi lang niya ay ipapakilala niya ako sa mga Ortega. Muli kong sinuot ang stiletto at nag spray ng pabango.
Bahala na. I need to trust him, at least. Hindi naman siguro siya gagawa ng bagay na ikakagalit ko kung talagang desidido siyang makuha ulit ang tiwala ko at second chance na hinihingi niya. Muli ko pang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko sa salamin bago lumabas ng kwarto. Tinignan ako pababa pataas ni Carlos ng makita ko siya sa may sala.
"Saan ka pupunta? Are you going to meet that bastard?" nagpantig ang tenga ko sa narinig ngunit nanatili akong kalmado.
"Lalabas lang ako, babalik rin ako bago mag gabi." hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at iniwan siya. Kung may problema sila ni Odessa ay huwag naman niya sana akong idamay sa init ng ulo niya. At alam kong may kinalaman doon si Sarah. That kid, mukhang gusto niya yata ang pinsan ko.
Linakad ko ang distansya ng bahay namin hanggang sa may shed. Mabuti na lang at sanay akong mag suot ng takong or else. Hindi naman kasi pwedeng maghintay si Jackson sa labas ng bahay dahil baka magkita pa sila ni Carlos. Nadatnan ko siyang nakasandal sa Ranger niya habang nakaekis ang kamay sa dibdib.
Tumahip ang matinding kaba sa dibdib ko ng mapansin niya ako. He's wearing a white V neck shirt na pinatungan niya ng brown na coat. Faded pants and black shoes. Kumikislap ang silver niyang hikaw sa tenga. Hindi ko man kita ang mata niya dahil sa aviator na suot niya ay alam kong tinititigan niya ako ng mariin. Napalunok ako ng tuluyan na akong nakalapit sa kanya ngunit hindi parin siya nagsasalita.
Mas lalo siyang gwumapo sa paglipas ng panahon. Mas lumapad ang katawan niya dahil bumabakat na ang braso niya sa coat. Ang manly na niyang tignan hindi katulad noong highschool pa lang kami. Ang lakas ng sex appeal niya na kahit mapapadaan ka lang siguro dito ay mistulan ka ng magkaka stiff neck once na masilayan mo ang kakisigan niya.
"You're so beautiful, Trixie." ani niya at kinintilan ng halik ang labi ko na nakapagpaharumentado saakin.
"Uh, you look handsome, too." garalgal ang boses kong puri sa kanya. Fuck! I'm stuttering! Sumilay ang ngiti sa labi niya at kinagat ang bibig.
"Halika na, naghihintay na sila saatin." hinawakan niya ang kamay ko at giniya sa sasakyan niya. "You're shaking, kinakabahan ka ba?" tanong niya ng makaupo ako. Tango lang ang sinagot ko sa kanya.
"Hindi naman nangangain ng tao ang mga Ortega." natatawa niyang sabi bago sinara ang pinto.
"Sino ba ang mga Ortega?" tanong ko ng makaupo siya.
"Ang tagal muna dito sa La Union ngunit hindi mo pa sila kilala? You'll see, Trixie." kinindatan pa niya ako bago pinaandar ang sasakyan.
Hindi ko alam kung ilang beses akong napalunok habang nag byabyahe. Nalagpasan nanamin ang city ngunit hindi parin kami nakakarating. Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. Nangingislap ang karangyaan ng may ari ng bahay base sa istruktura nito. Pinatay ni Jackson ang makina ng sasakyan at lumabas. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomansaSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...