"Go Less than Three!" tinaas ko ang aking kamay at winagayway sa ere. Sumabay ako sa sigawan ng mga nanonood at hinampas ang katawan ko sa saliw ng kanta.
"God! Ang ingay! Uuwi na ako!" pinigilan ko si Odessa at linagay siya sa harapan ko.
"Mamaya na! We're enjoying the night!" sinimangutan niya ako ngunit tinawanan ko lang siya at sumabay sa sigawan nila Carmina.
"Go Elle!"
Napuno ng sigawan ang plaza at puro Less than Three na lang ang naririnig ko. Syempre, sino ba naman ang hindi mapapasigaw sa galing nila? Mabilis akong napalapit sa grupong ito dahil narin kila Carlos. It reminds me of Affectionate. Na kahit magdadalawang taon na ako dito sa probinsya pakiramdam ko ay kasama ko parin sila Carlos dahil narin sa presensya ng Less than Three.
"My God! I love you, Sidrack!" malakas na sigaw ni Carmina na halos abutin na niya ang stage kahit malabo namang mahawakan niya si Sid.
"Last na ba ito? Wala na silang sasalihang contest?" nagkibit balikat ako sa tanong ni Odessa.
"Hindi ko alam! Siguro, mag susummer na, e." pasigaw kong sagot. Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko kahit maingay sa paligid.
Itinuon ko ang aking tingin sa Stage. Noong una, akala ko ay mahihirapan ako dito sa probinsya. But it comes out na, mas mabilis akong nakapag adjust sa mga bagay bagay at natuto akong maging independent. Kung noon dapat lagi akong may kasama. Ngayon, hindi na importante saakin kung may makakasama ako sa bahay o wala. People grows, at sa paglipas ng mga araw at pagiging independent ko ay madami akong natutunan sa buhay.
Kung noon halos wala akong alam na gawaing bahay. Ngayon, halos linisin ko na bawat sulok ng bahay ko. Kahit wala sila mommy sa tabi ko ay nandiyan naman si mama Mildred, ang family ni Odessa na gumagabay saakin.
"Sure win na sila! Hooo!" kantyaw ni Carmina ng matapos ang sayaw nila.
"Tapos na! Uwi na tayo!" akmang aalis na si Odessa ngunit hinila namin siya ni Carmina at pwinesto sa gitna namin."Dess ang KJ mo! Pinagpaalam kita kay mama Mildred a! At bakasyon na, kukuha na lang ng classcard bukas." ani ko at mahinang tumawa.
"Kaya nga! Atsaka uuwi si Trix sa Manila this summer. Sulitin na nanatin ang natitirang araw niya rito." pagsang ayon ni Carmina ngunit sinimangutan lang kami ni Odessa.
Pinanood pa namin ang ilang kasali sa contest, ngunit sa huli ay Less than Three parin ang nanalo. Nagtuloy kami sa Mcdo para kumain, alas diyes na ng gabi at ngayon lang kami nakaramdam ng gutom.
"Grabe! Galing talaga ng LTT, nakakalungkot lang at gagraduate na si Elle. Ang alam ko ay pupunta siya ng Baguio para mag take ng Bar Exam." sambit ni Carmina.
"Talaga? Sa bagay, priority kasi ni Elle ang paghahanap niya ng trabaho kapag nakapasa siya sa Bar Exam. May ipapalit kaya sila sa kanya?"
"Alam ninyo kayong dalawa, puro kayo Less than Three. Andiyan pa naman si Sid at ang magkambal. Kaya na nila 'yon."
Sumimangot kami ni Carmina sa sinabi ni Odessa. Itong babaeng 'to, alam naman naming hindi siya fan ng LTT at nadadawit lang siya saamin ni Carmina.
"Ang supportive mong kaibigan, Odessa." umirap ako ngunit tinawanan niya lang ang pagiging sarcastic ko.
"Oo na, kumain na nga kayo at inaantok na ako."
Mabilis na lumipas ang mga araw. Napapaypay ako sa sarili at nagpunas ng pawis habang hinihintay ang classcard namin. Confident naman ako dahil matataas ang nakuha ko sa exam ngunit hindi ko parin maiwasang mangamba.
"Relax, Trix, para kang natatae diyan sa kinauupuan mo." humagikhik si Odessa at inabutan ako ng panyo. Pinunas ko 'yon sa noo ko at tumayo.
"Kinakabahan ako, Dess." hinila niya ako at muling pinaupo.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...