Hindi ko alam kung ilang beses na akong bumuntong hininga at linunok ang nakabara sa lalamunan ko habang tinatahak namin ang daan papuntang school matapos kung mabasa ang text ni Jackson. Napapikit ako at hinilot ang sintido ko. Iyan nanaman siya sa pagsabi ng mga ganoong bagay. It's like, he's saying he was hurt when I'm with Greg. Hindi ko tuloy alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya o 'di kaya ay huwag na lang siyang pansinin.
Ba't hindi na lang niya ako kausapin na straight to his point. Hindi nga niya sinabing gusto niya ako. But, his words and action, ang hirap kasing paniwalaan. At ano naman ang nagustuhan niya saakin, at bakit malakas ang epekto ko sa kanya? I don't know. I don't have any idea. At higit sa lahat, bakit ako na may boyfriend na?I admit it, gwapo si Jackson. Hindi man siya ganoon kaayos kung manamit at kupas ang kulay ng lahat ng sinusuot niya. Hindi katulad ni Greg na laging bago. Pero kahit ganoon, hindi parin maitatanggi na may panlaban siya kay Greg pagdating sa kawapuhan at kakisigan ng katawan. I hate to say it, but, kung madadamitan ng maayos si Jackson. Mas lamang pa siya kay Greg.
Napailing ako at tumingin sa gawi ni Greg na ngayon ay seryoso sa pagdadrive na parang sinasabi ng galaw nitong 'Don't talk to me'. Gumagalaw ang panga niya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela na halos magsilabasan na ang mga ugat sa braso niya. Mukhang galit na galit nga siya. At dahil 'yon saakin, saamin ni Jackson.Of course, magtataka siya kung bakit ganoon ang trato saakin ni Jackson at kung bakit ganoon ang lumalabas sa bibig niya. Damn, Trixie! Paano ko ba ito ipapaliwanag sa kanya ang nangyari kanina. Na hindi ko sinasabing mag kakilala kami ni Jackson. Na nagpapalitan kami ng mensahe at nag tapat siyang may gusto saakin? I really don't know.
Sa huli ay hindi ko na lang siya kinibo dahil mukhang wala rin naman siyang balak kausapin ako. Nang makarating kami sa school ay pinagbuksan parin niya ako ng pinto at siya na ang nagdala ng bag ko. Hinila niya ako papuntang building namin na hindi parin nagbabago ang anyo ng mukha niya. Huminga ako ng malalim at hinigpitan ko ang kapit sa palad niya. I need to explain. Ayokong mag isip siya ng kung ano saamin ni Jackson.
"Greg" mahina ang boses kung sabi. Huminto naman siya at hinilot ang gitna ng kilay niya at napapikit ng mariin.
"I really need to talk to you right now, pati narin sa bastardong Jackson na 'yon" malamig niyang sabi. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at napayuko. Kinuha ko sa kanya ang bag ko at ngumiti ng pilit.
"Sorry about earlier, Greg. Magpapaliwanag ako-"
"Yeah, Trixie. You really should, pero malalate na ako sa klase. I'll talk to you later" hinalikan niya ang tuktuk ng ulo ko at hindi na niya hinintay ang sasabihin ko at nagmadaling umalis.
Napailing ako at humugot ng malalim na hininga. Hindi pa niya ako naihahatid sa room namin at narito pa lang kami sa hallway papuntang building namin. Naiintindihan ko naman na nagagalit siya, after all, ako ang may kasalanan nito at naglilihim pa ako sa kanya. Ayoko lang naman kasi na bigyan pa niya ng atensyon si Jackson.
I can handle him. I can ruin Jackson's attention towards me. Kaya kung magpatay malisyang hindi ko kilala si Jackson. But, there is something wrong with me. Dahil, kahit ano pang gawin ni Jackson, nakukuha at nakukuha niya ang atensyon ko. At sa araw araw na nakakasalamuha ko siya, nadadagdagan ang guts kung pasukin ang buhay niya. There's a strange and weird feeling at the bottom of my heart. At hindi ko matukoy kung ano 'yon.
As usual, ng sumapit ang lunch break namin ay naghintay ako kay Greg ngunit nag text siya saakin na hindi raw siya makakasabay ng lunch dahil may idedefense daw sila ngayon sa isa niyang major subject. Ito ang maganda kay Greg, na kung may importante siyang gagawin ay magsasabi at magsasabi siya. Nalulungkot man akong hindi siya kasabay ay ngumiti na lang ako habang papasok sa canteen. Kaagad kung nakita sila Antonette sa palagi naming pwesto kaya naman nagmadali akong lumapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...