"Oh ano, Greg? Ba't hindi ka makasagot, huh? Kailan ka pa patagong nakikipagtagpo kay Trixie!" malamig ang tono ng boses ni Jackson at pansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.
"A-ano? E, gago ka pala, e! Ako ang nauna kay Trixie! Ako ang nauna niyang minahal. Walang wala ka sa katangiang meron ako. Kaya hanggang ngayon ay palaisipan parin saakin kung bakit nahulog sa'yo ang babaeng minsan ng naging akin." malamig din na sabi ni Greg.
Ang madilim na anyo ni Jackson ay mas lalong dumilim at akmang susugurin si Greg ngunit mabilis akong pumagitna sa kanila bago pa man niya ito madaplisan sa pisngi.
"Ano ba! Will you please stop! Hindi ko sinabing pumunta kayo dito upang magsuntukan!" sigaw ko.
Napahawak ako sa dibdib ni Jackson. Ramdam na ramdam ko ang nag aalab na galit sa sistema niya. Ngunit imbes na matakot ako sa kanya ay tinignan ko lang siya ng walang emosyon. Namanhid na yata ang lahat ng parte ng katawan ko at ang gusto ko na lang ay ipahinga ang sarili ko. I'm tired. Really tired. I'm tired on this shit. Pagod na ako sa mga bagay na gumugulo sa isipan ko.
Jackson and Fatima. The pain I'm enduring. At ito, si Jackson, si Greg na minsan ko ng minahal. Hindi ko na alam kung paano ito hahawakan ng maayos. Sa isiping isang salita pa ni Jackson ay parang hahagulhol nanaman ako sa iyak.
Ang kamay nilang mag kahawak ni Fatima habang masayang magkasama. Fuck! Ni halos hindi ko alam kung paano nag tagpo ang landas nila.
"Alam mo, Jackson, hindi ko alam kung bakit hinayaan ko si Trixie sa'yo. Kung alam ko lang na iiyak siya sa piling mo ay sana hindi ko na lang siya pinakawalan noon. You are one son of a bitch!"
Sa bilis ni Jackson ay hindi ko siya napigilan ng suntukin niya si Greg dahilan upang mapahiga ito sa sahig at pumutok ang ibabang labi niya. Oh my God! Kaagad akong nakaramdam ng matinding kaba at hysterical na umupo sa tabi niya.
"Greg! My Goodness!" tinulungan ko siyang makaupo at akmang pupunasan ang dugo sa labi niya ng hilain ako ni Jackson palayo sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko na halos bumakat na ang daliri niya.
"Aray! Jackson ano ba!" singhal ko ngunit mariin niya lamang akong tinitigan.
"Ano'ng ginagawa mo? Bakit mo siya tinutulungan!"
Sa sinabi niya ay halos kumulo ang dugo sa katawan ko. Shit! Fuck! Ang sarap niyang murahin at pagsusuntukin! At ako pa itong pinapalabas niyang mali matapos ang nangyari. Nagpumiglas ako at nang makawala ako sa kanya ay linapitan ko si Greg at tinulungang tumayo.
"Trixie! Tangina, ako ang boyfriend mo dito!" mariin niyang sigaw.
"Tangina mo rin! Gago ka!" sa sinabi kong 'yon ay halos matigilan siya sa kinatatayuan niya. Pati si Greg ay gulat sa pagmumura ko. Linapitan ko siya at sinampal ng pagkalakas lakas na halos tumagilid na ang ulo niya at mabilis na namula ang pisngi niya.
Tumulo ang luha ko kasabay no'n ang paglabas ko ng hinanakit na kanina ko pa kinikimkim.
"'Yon na nga, e. Jackson sana naisip mo 'yan, na boyfriend kita bago ka sumama sa ibabang babae!" humikbi ako at napapikit ng mariin.
"Isang linggo lang tayong hindi nagkita may iba kana! Fatima is my friend! She is my fucking friend! Is she your fuck buddy! Jackson, ang sakit. Ang sakit sakit ng ginawa mo!" napaawang ang labi niya at nabitin ang kamay sa ere ng ilayo ko ang sarili ko. Umiling ako at yinakap ang sarili.
"God, you hurt me big time in just one shot. Ang gago mo. Ang gago gago mo." humagulhol ako ng iyak ng haplusin ni Greg ang braso ko at pumwesto sa likuran ko.
Gusto ko siyang itulak, na hindi niya dapat ito ginagawa dahil wala siyang karapatan ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko. I'm enduring the pain he cause. Ni halos hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong saktan. Nagmamahal lang naman ako ng lubos.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...