Nasa kalagitnaan ako ng pagtutuyo sa basa kong buhok ng mag vibrate ang phone kong nasa ibabaw ng lamesa. Napuno ng kaba ang dibdib ko sa isiping, baka si Greg na 'yon. Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga bago sinabit ang tuwalya sa banyo at bumalik sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone ngunit laking gulat ko ng makitang galing 'yon sa unknown number. Kumunot ang noo ko at binasa ang text.
Namimiss ka na daw ni Sharlene. Kailan ba ulit tayo magkikita, Trixie?
Si Jackson lang pala ang nag text. Ang buong akala ko ay si Greg na dahil hanggang ngayon ay wala parin akong balita sa kanya. I'm worrying. Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay ako naman ang nagtanong.
Saan mo nakuha number ko?
Kinagat ko ang ibabang labi at linapag ang phone ko sa lamesa at kinuha ang suklay. Nakapagtataka at alam niya ang number ko. Samantalang matagal na akong nagpalit ng number sa kagustuhang makalimutan siya. Ilang sandali pa ay nag vibrate nanaman ang phone ko.
Jackson:
Importante pa ba 'yon? Ang importante ay naitetext na kita. Hindi 'yong nakatambak lang dito sa cp ko 'yang number mo. Kailan ulit tayo magkikita? Miss na kita, Trixie ko. :(Sumikip ang dibdib ko at kinagat ang ibabang labi ko. Parang isang oras pa lang simula noong hinatid niya ako sa labas ng subdivision! And, what's with 'Trixie ko'? God. Kakaiba ang dating noon saakin. Naghaharumentado nanaman ang puso ko.
Ako:
Parang magkasama lang tayo kanina ah! Pakisabi kay Sharlene na miss na miss ko narin siya. Bibigyan ko siya ng regalo kapag nagkita kami :)Jackson:
Kailan nga? Pwede bukas na lang? Hindi pa kita na sulit na kasama kanina. Nakakainis!Tumawa ako ng mahina sa reply niya. Nakasimangot nanaman siguro ang lalaking 'yon at nakanguso. God. I can imagine his handsome face while pouting. Still manly, as ever.
Ako:
Akala ko ba makakapaghintay ka?Jackson:
Oo nga pero, gusto ulit kitang yakapin ng mahigpit at isiksik ang ilong ko sa buhok mo. Trixie, magkita tayo ngayon. Sige na :(Napasinghap ako at muntik ko ng mabitawan ang phone ko sa sinabi niya. Shit! Iniisip ko pa lang na yakap yakap niya ako mula sa likuran habang hinahalik halikan ang buhok ko ay pinagtataasan na ako ng balahibo sa katawan. Napailing ako at humugot ng malalim na hininga. Gusto ko ring makipag kita sa kanya pero hindi pwede. Si Greg. Si Greg ang kailangan kung makita ngayon.
Ako:
Jackson alam mong hindi pwede 'yan. Magkikita tayo kapag nagkaayos na kami ni Greg.Jackson:
Laging ako naman ang second option mo, Trixie. Kapag wala ka ng choice at napipilitan ka lang. Naiintindihan ko. Sige!Umawang ang labi ko sa text niya. Hindi kaagad ako nakapagreply at nag isip ng tamang sasabihin. Alam naman niyang may issue pa ako kay Greg. Saan patungo ang usapang ito?
Ako:
Jackson, hindi ganoon ang ibig kung sabihin. Kailangan ko lang ng tamang oras para sabihin sa kanya. Alam mong kami pa ni Greg ngayon at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat.Jackson:
Alam ko, Trixie. Sorry. Namimiss lang kasi kita ng sobra. Three months, Trixie. Sa loob ng tatlong buwan ay para akong nasa impyerno simula noong pinakawalan kita. Magtitiis ako. Kahit, hindi ako sigurado kong may magandang maidudulot saakin ang pakikipagrelasyon sa'yo ng patago. Shit! Mahal na mahal kita, Trixie ko :(Hindi ko rin alam kung tama rin ba itong ginagawa ko. Sinusunod ko lang naman ang sinasabi ng puso ko. Mahal ko silang dalawa. Pero mas lamang si Jackson. Hindi ko kayang iwasan si Jackson. It's too fast. I know. Ngunit hindi ko rin naman kayang iwanan si Greg ng ganoon na lang. I love him, until now. Napailing ako at humiga. Ano ba itong nararamdaman ko. I have one heart. I should only love one person. But, I love them both. And I can't hurt Greg, as well as Jackson. What is wrong with my heart?
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...