Kabanata 38: Worthy

656 16 1
                                    

"God! I told you, girls! May bagong pogi dito!" humahagikhik na patuloy ni Fatima. Hindi makaget-over sa presensya ni Jackson.

"I knew him! Siya 'yong bokalista noon sa isang banda noong highschool! Kaya naman pala todo tili noon si Beatrice noong nanood kami sa isang public school." nakangiting wagas na sabi ni Sheena.

"Calm down! Kayong dalawa, a. Kumain na nga muna tayo." saway ni Shane ngunit hindi parin maitatanggi ang pagkamangha sa tono ng boses niya.

Kanina nagugutom ako. Pero ngayong nakita ko si Jackson at narinig ang mga sinabi nila ay para bang babaliktad na ang sikmura ko sa pagkadisgusto. How dare them fantasizing Jackson while I'm here in front of them? Umiling ako upang maalis sa isipan ko ang bagay na 'yon. Of course! Hindi nila alam na boyfriend ko siya. Kung sana ay hindi siya umalis at binalewala ako kanina.

Napapikit ako ng mariin at linaro ang spaghetti gamit ang tinidor. Kinakahiya ba ako ni Jackson? Kasi ako proud na proud sa kanya, na handa akong ipakilala siya sa lahat kahit nakauniporme pa siya ng pangtrabaho. Damn it!

"You're not hungry, Trixie?" tanong ni Fatima na nakapagpabalik saakin sa ulirat. Ngumiti ako ng pilit.

"Hungry, but not too much." tumango naman siya at nag patuloy sa pagkain.

E, kung sabihin ko kaya sa kanila na boyfriend ko si Jackson upang itigil na nila ang pagpapantasya sa kanya habang kumakain kami? Ayoko namang maging rude sa kanila dahil maayos ang pakikitungo nila saakin. And they are my new friends. I just hate the fact that they adore Jackson. Shit lang at ang sarap ipamukha sa kanila na taken na ang lalaking pinag-uusapan nila at ako ang girlfriend niya!

Napalingon ako ng may marinig akong tilian sa may gilid. Naningkit ang mata ko ng makita ang ilang kababaihang kaparehas ng uniform namin na nagpapapicture kay Jackson. Walang atubali siyang nagpalitrato at umaakbay pa siya sa mga babae! Fuck! Fuck them! Gusto ko silang sugurin at isigaw na akin lang si Jackson ngunit inuunahan ako ng hiya. Oras ng trabaho at baka tanggalin pa nila si Jackson kung mag eeskandalo ako dito.

"Shit! Ang gwapo talaga niya! Ano kayang pangalan niya?" kinikilig na sabi ni Fatima. Pansin ko pa ang pamumula ng pisngi niya at kinagat ang ibabang labi.

Pinanggigilan kung hatihatiin ang spaghetti gamit ang tinidor at kinalma ang sarili ko. Calm down, Trixie!

Lumipas pa ang minuto na halos si Jackson ang laman ng usapan nilang tatlo. Dinidivert ko ang usapan but it comea out na si Jackson parin ang topic sa huli.

"Hindi ka sasabay, Trixie? Pwede kang ihatid ng driver namin." alok ni Fatima ng matapos kaming kumain ngunit umiling lang ako at ngumiti ng pilit.

"Salamat pero huwag na. Magpapasundo na lang ako sa pinsan ko or sa driver namin."

Nagpaalam na sila at sumakay sa sasakyan nila Fatima. Kumaway ako habang tinatanaw ang paalis na sasakyan. Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo sa labas ng Jollibee. Mula dito aa puwesto ko ay tanaw ko si Jackson na ngayon ay nagpupunas ng lamesa. I miss him. Naging busy ako sa school, ganoon din siya sa trabaho kaya naman minsan na lang kung magkasama kami.

Ilang minuto pa ang lumipas at nanatili parin ako sa labas. Habang nag momop siya ay napansin niya ako kaya naman kumaway ako ngunit pinanlakihan niya lang ako ng mata. Binitawan niya ang mop, iniwan ang ginagawa at mabilis akong linapitan.

"Hi!" bati ko ng makalapit siya saakin ngunit binigyan niya lamang ako ng seryosong titig.

"Ba't narito ka pa? Trixie, mag aalas nwebe na! Huwag mong sabihing hinihintay mo ako." kinagat ko ang ibabang labi at umiwas ng tingin. Shit! Gusto ko siyang murahin! Matapos niya akong hindi pansinin kanina ay ito ang sasabihin niya!

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon