"Relax, Trixie, kanina ka pa hindi mapakali." hindi ko pinansin ang sinabi ni Odessa at nag lakad ng walang patutunguhan sa harapan ng salamin.
"Kinakabahan ako, Dess, hindi pa nagtetext si Jackson. Mag sisimula na ang party mamaya." sagot ko at umupo sa kama.
"Baka naman naghahanda rin siya, syempre siya 'yong highlight ng party. You know, Ortega 'yan, e."
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. I am wearing a black long dress, backless na hanggang dulo ng spinal cord ko ang litaw. Sinuot ko ang kulay itim kong stiletto at kinalma ang naghaharumentado kong puso. Hindi ko alam kong ayos na ba itong suot ko, hindi ako confident. Masyado yatang pa bida itong napili kong dress at baka pagtinginan pa ako sa party mamaya. Damn, I am so nervous. Ipakikilala na siya bilang isang Ortega.
"Magpalit na lang kaya ako? Iyong simple lang-"
"God, Trixie! Where's your confidence? Ikaw ang girlfriend ni Jackson, sigurado akong ipapakilala ka rin niya mamaya. Look at your self, ang ganda ganda mo. Wala kang dapat na ikahiya. Relax, okay? Presentable kang tignan, sigurado akong proud na proud sa'yo si Jackson kapag nakita ka niya."
Kahit papaano ay nawala ang agam-agam sa utak ko sa sinabi ni Odessa. Pero hindi ko parin maikakaila na natatakot parin ako. Hindi maganda ang impresyon ko sa papa niya. At iyong pagmamakaawa saakin ng mama niya. Makikilala ko pa ang ilan nilang kamag-anak na hindi ko pa nakikilala. Madaming bisita at sigurado akong kasosyo nila sa negosyo ang pupunta at mga politiko.
"Andiyan na 'yong sundo mo sa labas." napatingin ako kay Carlos na ngayon ay papalapit kay Odessa.
Tumango ako at muling tinignan ang sarili sa salamin. Sinuot ko ang kwintas na bigay ni Jackson at hinaplos 'yon. I hope everything will be alright. Sana ay matanggap na kami ng parents niya. Sana walang masamang mangyaring ikasisira ng party. Gusto kong maging matagumpay ang pagpapakilala sa kanya. Kahit kapalit pa nito ay ang pagkawasak ng puso ko. I've made up my mind. Kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Jackson simula noong nakasama niya sa bakasyon ang pamilya niya. At ayokong matangay ng hangin ang kasiyahang nararanasan niya ngayon sa piling ng mga Ortega. Ang hangad ko ay ang kaligayahan niya na ipinagkait sa kanya noon.
"Tawagan mo kami kung may problema, kung may maghahatid sa'yo pauwi. Susunduin ka namin ni Carlos."
Ngumiti ako kay Odessa bago pumasok sa sasakyan. Kinawayan pa niya ako bago tuluyang umandar ang sasakyan. Isang oras na lang at magsisimula na ang party. Ano na kayang ginagawa ni Jackson? Napabuntong hininga ako at itinuon ang pansin sa labas. Mukhang busy nga talaga siya dahil pinasundo na niya ako, samantalang ang pangako niya saakin ay siya ang susundo saakin para sabay kaming aatend ng party.
Pasulyap sulyap saakin ang driver habang papalapit kami ng papalapit sa bahay ng mga Ortega dito sa Poro. Kinakabahan ako sa titig niya.
"Kaano-ano po kayo ni Sir Jackson?" tanong niya habang nasa kalsada ang tingin.
"I'm his girlfriend." paos ang boses kong sabi. Hindi siya sumagot at hindi na muling nagsalita.
Nang sa wakas ay makarating na kami sa destinasyon ay mabilis akong lumabas ng sasakyan. Bumungad saakin ang malawak na garden, enggrande ang pagkakaayos ng mga upuan, mula sa mga ilaw at at ang agaw pansin na stage. Napalunok ako at muling huminga ng malalim. Tulad nga ng inaasahan ko ay bigatin ang mga bisita. Mas lalong nanginig ang binti ko ng hindi ko man lang napansin si Jackson. Where is he? Ang buong akala ko ay siya ang una kong makikita ngayong gabi.
Kinakabahan man ay hinakbang ko ang aking paa. Sopistikadang sopistiskada ang ilang babaeng nakitang kaedad ko. Nagtatawanan sila at sayang saya sa party kahit hindi pa man nagsisimula. Linabas ko ang aking phone at tinext si Jackson. Tumayo ako sa bandang gilid at pasulyap sulyap sa ilang papasok na bisita. Shit! Ni hindi ko man lang alam kung saan ako pupwesto.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomansaSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...