"Trixie, gabi na. Ba't nandito ka pa at hindi pa nakakauwi?" tanong niya habang nagmamaneho ngunit na sa daanan parin ang tingin. Hindi naman ako sumagot at nanatiling tahimik. Pansin ko ang pagbuntong hininga niya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Why are you playing mute with me? Madami tayong pag-uusapan pero ayaw mo akong kausapin." sa sinabi niyang iyon ay napatingin ako sa kanya. Sakto namang napatingin rin siya saakin. Nagtama ang mata namin ngunit sinamangutan niya lang ako.
Inirapan ko siya at binaling ang tingin sa labas. Sa katunayan ay ayaw kong pag-usapan ang nangyari saamin dalawang taon na ang nakakaraan. I already move on. I already forgot the pain he brought to me. Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit pumapayag akong basta na lang sumasama sa kanya. Why would I want to be with him? Paano kong saktan niya ulit ako? Nahilot ko ang sintido at napapikit ng mariin. Why do my heart flutter again?
"Are you sick?" napabalikwas ako ng damahin niya ang noo ko.
"I'm okay!" maagap kong sagot at linisi ang kamay niya. Mas lalo siyang sumimangot sa tinuran ko.
"I'm just checking you out. Hindi mo naman ako kailangang sigawan." sumeryoso bigla ang mukha niya at halos bumakat na ang ugat sa kamay niya sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela.
Umiwas ako ng tingin at tinuon sa labas ang pansin. Fuck! Okay, I get it! Pero sana naman ay maramdaman niyang ayaw kong pag usapan kung ano man ang nais niyang sabihin. It has nothing to do with me anymore. Ngunit ang kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko noong hinawakan niya ang noo ko ay nandoon parin at damang dama ko.
"I know you're mad, pero sana naman ay pakinggan mo ang sasabihin ko. Trixie, hindi ko na alam ang gagawin ko makausap ka lamang ng masinsinan."
"Wala naman tayong pag-uusapan." sagot ko.
"Pwes ako madaming sasabihin sa'yo." lintya niya at hininto ang sasakyan sa tabi ng isang bahay. Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa kanya. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at tumingin saakin.
"Where are we? I wanna go home."
"Let's talk first." kinagat ko ang ibabang labi at kinalma ang sarili ko. Hindi talaga siya titigil!
"Ano ba'ng gusto mong sabihin. Pwede ba sabihin mo na at kating kati na akong umuwi."
Nagkaroon ng kaonting katahimikan sa pagitan namin at halos malalim na buntong hininga niya lang ang naririnig. Sa tingin ko ay iniisip niya munang mabuti ang sasabihin niya. And I think he is nervous too.
"What happened to us two years ago." napahinto siya at tinitigan ako sa mata. Kung anong lungkot ng mukha niya ay ganoon naman kadami ang gustong iparating ng mata niya. Para itong salamin at isang salita ko lang ay tuluyan na siyang mababasag.
"Alam kong madaming tumatakbo diyan sa isipan mo. Alam kong naguguluhan ka parin sa nangyari noon. But please, believe me, Trixie, hindi kita niloko at minahal kita ng buong buo. You know how much I love you, right? I did everything-"
"Yeah, na pati ang pagpatol sa matanda ay ginawa mo." umiwas ako ng tingin at pinikit ang aking mata.
Hold your tears, Trixie! Muling bumalik sa aking alala ang pang gagago niya saakin. Ang pagpili niya sa matandang 'yon at ang salapi niya. Gusto ko tuloy lumabas ng sasakyan niya dahil nandidiri sa kinauupuan ko. Malamang at galing ito sa sugar mommy niya!
"Kayo pa ba? Gusto mo nanaman akong maagaw sa iba dahil nagkita nanaman tayo. 'Yan ba ang basehan mo sa pagmamahal, Jackson?" umangat ang ulo niya at nakaawang ang labing tumitig saamin.
"You and that guy? K-kayo na ba?" he is referring to Phoenix. Tumawa ako ng may halong pagkadisgusto at pinunasan ang nangingilid na luha sa mata ko. Damn tears!

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...