"Where are you going, Trixie? And, what's happening between you and Greg? Hmm? Care to say" Napatigil ako sa pagsubo at masugid tinitigan si Carlos na ngayon ay kakababa lang mula sa kwarto niya. Nakaekis ang kamay niya sa dibdib. Nakataas ang isang kilay at nakasandal ang katawan sa ref. Imbes na sumagot ay inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain ng pancake. Seems like, he already knew the news.
"O ba't hindi ka makasagot? At parang hindi ka naman broken hearted" patuloy niya at umupo sa harapan ko.
"Bakit ba napakachismoso mo?" umirap ako.
"I am not. Nakakapanibago lang, e. Dati rati kapag naghihiwalay kayo ng mga naging ex mo ay umiiyak ka. Nasaan na ang ugali mong 'yon at parang tuwang tuwa ka pa na hiwalay na kayo ni Greg"
Napatigil ako sa pagnguya at napaisip sa sinabi niya. Greg and I has no official break up. Siguro ay naintindihan na niya ang nais kong iparating sa kanya kahapon kaya hindi na niya nagawang tanungin saakin kung hiwalay na kami. Cool off turns to break up. 'Yon ang nangyari saamin ni Greg. At hindi ko alam kung maibibigay ko sa kanya ang hinihingi niyang pagkakataon. Na siya ang pipiliin ko.
"Ano'ng gusto mo? Na magmukmuk ako sa isang tabi? I've grown up, Carlos. Alam ko na kung paano ihandle ng maayos ang isang bagay" inismiran niya ako at kumagat sa tinapay.
"Really, Trixie? I thought Greg is different, dati lamang ay proud na proud ka sa kanya. Nasaan na ang Greg na ipinagmamalaki mo?" I close my eyes to suppress my anger. Ano ba'ng gustong palabasin ng lalaking 'to?!
"We had a fight, okay? May hindi lang kami napagkakaintindihan. Hindi pa kami official na nag break up. Pero humihingi siya ng isa pang pgkakataon" mariin kong sabi.
"Because you met anothet guy, isn't it? I saw you yesterday, may kayakap kang ibang lalaki. Who's that? May pamalit ka na agad kay Greg after ninyong mag hiwalay?" napaawang ang labi ko at nanlaki ang matang napatitig kay Carlos.
"Y-you saw us?" nanginginig ang boses kong sabi.
"Oo, seriously, Trixie? Kailan ka pa naging ganyan sa mga lalaki? Nagiging playgirl ka na" binato ko siya ng tinidor ngunit mabilis naman niyang naisangga ang braso niya. Nanlilisik ang mata kong tumitig sa kanya.
"I am not a playgirl! Hindi mo alam ang kwento sa likod no'n!"
"But it's too obvious. Fuck!" Hinimas niya ang natamaan ng tinidor at inikutan ako ng mata. "You're playing with two men, Trixie. You're being unfair. And, Jesus! You're just what? Mag seseventeen? Ang bata mo pa sa mga ganyang bagay! Dapat ay ang pag-aaral mo ang iniisip" mataas ang boses niyang sabi bago ako tuluyang iniwan.
What was that? Guguluhin niya ako sa pagkain at sesermonan? Wow! Minsan talaga ay parang tatay lang kung magsalita ang lalaking 'yon! Palibhasa walang girlfriend! Ako ang pinagdidiskitahan niya!
Nang matapos akong kumain ay nag ayos muna ako ng sarili bago tuluyang linisan ang bahay. Ang sabi ni Jackson ay susunduin raw niya ako at didiretso kami sa bahay ni Benjo para makisakay. Saktong pagkasara ko naman ng gate ay bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
"Hi" wagas ang kanyang ngiti at mabilis na hinalikan ang tuktuk ng ulo ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at paghaharumentado ng puso ko sa simple niyang ginawa.
"Kanina ka pa? Sorry, natagalan ako" umiling siya at mahinang tumawa.
"Hindi naman, kararating ko lang. So, tara na kay Benjo?" ani niya at umakbay saakin. Tumango ako at nagpatianod na sa kanya.
Sa sobrang dikit ng katawan namin ay amoy na amoy ko nanaman ang pamilyar niyang pabango. Amoy Axe ngunit wala ang amoy ng sigarilyo. Nakakapanibago.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...