Kabanata 46: Pagbabago

723 20 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng maayos sa bahay matapos kong makita si Jackson. Okupado ang isipan ko at maraming bumabagabag saakin. Nagsalin ako ng tubig sa baso at niisang lagok 'yon. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nandoon parin 'yong matinding kaba sa dibdib ko. Magdadalawang taon na ang nakalipas ngunit nagagawa parin niyang pabilisin ang tibok ng puso ko at hindi pupwede 'yon. Ano'ng silbi ng paglayo ko sa Manila kung makikita ko lang din naman siya dito sa probinsya?

Napatapik ako sa noo at napaupo. God. Bakit ba ako nag iisip ng ganito! Tinampal ko ang sariling pisngi at umiling baka sakaling namalikmata lang ako kanina. Shit! Hindi ko pwedeng lokohin ang sarili ko dahil alam kong si Jackson 'yon. Nandito siya sa La Union!

"Nangyari sa'yo?" napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Carlos. Tagatak ang pawis niya sa hubad na katawan. Tinaasan niya ako ng kilay at nagsalin ng tubig sa baso. Kinagat ko ang ibabang labi at umiwas ng tingin. Paano kung malaman ni Carlos na nagkita kami ni Jackson?

"Uh, wala."

"You look tense and sweat, nanggaling ka sa gym hindi ba?"

"Oo," hindi parin maalis ang nagtataka niyang tingin saakin kaya naman muli akong umiwas ng tingin. Para bang sinusuri niya ako kung nagsasabi ako ng totoo!

"You look weird," lintya niya pa bago ako tuluyang iniwan. Saka lang ako nakahinga ng maluwag na mawala na siya sa paningin.

Naihilamos ko ang aking palad sa mukha at muling uminom ng tubig. Napalakad lakad ako ng walang patutunguhan sa kusina. I'm still wondering. Bakit narito si Jackson? I mean, ano'ng ginagawa niya dito? At totoo ba ang narinig ko kanina kay Eyrone? May sasakyan siya? How come? Bumuntong hininga ako at sinandal ang katawan sa ref.

Syempre at mayaman ang sugar mommy niya! Ganoon naman e, matandang mayaman madaling mamatay. Siguro ay sakanya pinamana ang ari-arian ng matandang 'yon kaya siya nagkaroon ng sasakyan. Ngunit ang talagang umiikot sa aking isipan ay ang presensya niya dito sa probinsya. Paano siya napunta dito? Ano'ng nangyari sa kanya nakalipas na taon? Nasaan na si Sharlene?

Pumunta ako sa kwarto at naligo. Muling pumasok sa aking isipan ang imahe niya kanina. Jackson change a lot. Madami ang nagbago sa kanya base sa itsura niya kanina. He looks big time. Pilit ko siyang inalis sa aking isipan ngunit hindi 'yon ganoon kadali. Ano nang mangyayari ngayon nagkita kami? Ayokong umasa dahil wala naman akong aasahan. At isa pa ay hindi ko na siya mahal. Nagulat lang talaga ako kaninang nakita ko siya.

"He's back," ang nasabi ko sa sarili bago tuluyang nakatulog.

Nagising ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Kinusot ko ang aking mata at napatingin sa orasan. Alas otso na, mabuti na lang at alas diyes ang klase ko ngayon.

"Trixie, gising na. Malalate kana sa klase." boses ni Auntie Mina.

"Andiyan na po," sagot ko at nagdiretso sa banyo. Lumabas ako ng kwarto matapos kong makapag ayos ng sarili. Pinasadahan ko ng tingin ang balkonahe ngunit hindi ko makita ang bulto ni Carlos.

"Si Carlos po?"

"Pumasok na, iha, kasama niya si Odessa." napangiti ako sa sinabi niya at nagsimulang kumain. Mukhang type nga niya talaga si Odessa!

Naghanda na ako para sa klase nang matapos akong kumain. Kinakabahan ako habang naghihintay ng jeep na masasakyan. Napuno nanaman ng katanungan ang isipan ko habang sinusundan ng mata ko ang bawat mamahaling sasakyang dumadaan sa kalsada. Paano kung isa si Jackson ang nakasakay sa loob at sinundan pala niya ako? Why am I even thinking about him? At bakit naman niya iyon gagawin? Hindi na niya ako mahal at sigurado ako doon. Magdadalawang taon na ang nakalipas at nakatatak parin sa isipan ko ang panggago niya saakin.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon