Kabanata 43: Sinusundan

687 16 0
                                        

"Mom, ayos lang po ako. Ilang beses na ninyong natanong 'yan." tumawa ako ng mahina habang hinahalo ang pinapalambot kong pasta. Binuksan ko ang faucet upang makapaghugas ng kamay at inipit ko ang phone sa balikat at tenga.

"Nakakain ka naman ba ng maayos? Gusto mong papuntahin ko diyan si Carlos o si Anto-" hindi pa man siya natatapos ay pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Mom! Huwag na po, may kakilala na ako dito at mabait sila saakin. Don't worry, ipapakilala ko sila sa'yo soon! Bye 'my! I miss you guys, I love you!" hindi ko na hinintay ang sasabihin ni mommy at binbaan siya ng linya.

Pinatay ko ang tangke ng gasul at hinanda ang kakailanganin ko sa pagluluto ng spaghetti. Isang lingggo na ang nakalipas, masasabi kong I am perfectly fine here in the province. Ang dating mabigat na pakiramdam ko ay unti unting gumagaan. Kung sa Manila noon ay lagi akong ingat na ingat sa bawat pupuntahan ko. Ngayon, ramdam na ramdam ko ang freedom sa bawat galaw ko. Na para bang walang taong nagmamanman saakin.

Syempre sa Manila noon ay lagi akong sinusundan ni Jackson. Napailing ako upang maalis ang isiping 'yon saaking isipan. Clear your mind and heart, Trixie! Nandito ako upang makalimot!

Madali akong nakapag adjust sa tulong narin ni Odessa. Sa loob ng tatlong araw ay halos sa bahay na nila ako mamalagi tuwing umaga. Kaya naman napagdesisyunan kong magluto at yayain silang mag umagahan dito sa bahay. Pasasalamat sa kabaitan nila saakin. Nang matapos akong magluto at tinext ko si Odessa na kumain sila dito. Ilang minuto pa ang nakalipas at rinig ko na ang tawanan nila ni Max sa labas ng bahay. Inayos ko muna ang buhok ko at nag madali ko silang pinagbuksan ng pinto.

"Hi! Goodmorming!" masayang bati ko sa kanila.

"Goodmorning," ganti ni Odessa at linibot ng tingin ang bahay.

"Where's mama Mildred?"

"Nasa palengke, may puwesto kasi kami doon at palengke day ngayon." napatango na lang ako sa sagot niya at yinaya sila sa kusina. Sana ay magustuhan nila ang niluto ko.

"Ate Trixie, ikaw ang nagluto? Hindi kaba nahihirapan dito sa probinsya?" napatigil ako sa biglaang tanong ni Max.

Sumilay ang kaba sa dibdib ko sa hindi inaasahang tanong niya. Bakit laging ganito na lang ang tanong nila saakin? Una ay si Carlos, my parents, pati narin sila Antonette. At ngayon si Max. Masyado bang halata na pinipilit ko ang akong sarili sa mga bagay na hindi ko nakasanayan?

"Hindi naman, why Max?" ang tangi kong nasabi.

"Kasi po dito sa probinsya simple lang. Ate ba't wala kang kasama dito sa bahay mo? Tignan mo 'yang kamay mo, puro hiwa ng kutsilyo." nabitawan ko ang kutsara na sana ay ilalapag ko sa plato ni Max ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ate Odessa may sugat si Ate Trixie." sinubukan kong itago ang kamay ko ngunit hindi ko nagawa.

Kumuha ng first aid kit si Odessa sa banyo at ginamot ang sugat kong kanina pa mahapdi. Fuck! Hindi ko namalayan na nahiwa ko pala ito kanina.

"Max pakikuha 'yong bulak." dinampian niya ng bulak ang bawat hiwa sa kamay ko. Napapapikit ako sa tuwing dadapo ang betadine sa sugat ko.

"Trixie, hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo sa bagay na hindi mo kayang gawin. Kung hindi ka sanay sa gawaing bahay ay sana nagsama ka ng makakatulong sa'yo dito." pangaral niya.

Nag-init ang sulok ng mata ko at kinagat ang ibabang labi upang hindi mapahikbi. It's my way how to say thank you. At isa pa ay isang linggo pa lang ako dito. Masasanay din ako. Napapikit ako at huminga ng malalim. I miss my parents, I miss Carlos, sila Antonette, George, David at Juaquin. Gusto ko mang umuwi na ay sinasabi ng instinct kong manatili ako dito. I don't want to be near him anymore. Natatakot akong muling masaktan.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon