Kabanata 8: Trespassing

831 21 0
                                    

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang nagtitipa ng irereply kay Greg. Kanina pa niya ako tinetext habang nasa kalagitnaan ng klase. Hindi ko naman siya matitiis kaya patago akong nagrereply sa kanya.

Greg:
Trixie, keep your phone. May klase ka pa, sige na at titigil na ako sa pagtetext.
Umiling ako kahit hindi niya kita at sumulyap sa klase. Busy ang lahat habang nangongopya, iyong teacher naman namin ay may kung anong ginagawa sa lamesa niya.

Ayoko, nagsusulat lang naman kami. Tinatamad ako.

Linapag ko ang cellphone ko sa lamesa at nag patuloy na sa pagsusulat. Ito ang ayaw ko kapag high school, sulat ng sulat. Buti pa sila Greg at puro xerox copy. Unlike us. Maya maya pa ay nag vibrate nanaman ang phone ko kaya kinuha ko nanaman iyon.

Greg:
Dapat hindi na kita tinext, boring kasi itong subject namin. Come on Trixie, ayokong makasira sa klase mo. Pupuntahan na lang kita mamaya diyan sa building ninyo okay? Keep your phone, sweety. I love you, Trixie. I'm always waiting for you :)

Namula ang mukha ko sa sinabi niya kaya naman sumobsob ako sa lamesa at nagpigil ng tili. Goodness, Greg! Maiinis na sana ako dahil sinabi niyang hindi na niya dapat ako itetext ngunit bumawi naman siya sa huli. At may emoticon pa. Oh Greg! I am really falling for you, hard. Ang sweet sweet niya at napakacaring na tao. Nahihiya na nga ako sa kanya dahil pinaghihintay ko pa siya ng matagal.

Pumikit ako ng mariin at inangat ang ulo ko. Ang gaga ko naman talaga! Ba't ko pa ba pinaghihintay si Greg? Ilang araw narin simula noong napurnada ang pagsagot ko sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya sinasagot. Natututop ko kasi ang dila ko kapag kaharap ko na siya. Imbes na sabihin ko ang dapat kung sabihin ay napapatunganga na lang ako sa kagwapuhan niya. I need to make a move. Hindi lang dapat siya ang gumagawa ng paraan upang magkasama kami.

Ayoko nga kasi! Mas nag eenjoy pa akong katext ka kaysa dito sa klase :(

Ilang segundo na ang nakalipas ngunit hindi parin siya nag rereply. Malapit ko naring matapos kopyahin ang unang nakasulat sa manila paper ngunit hindi parin nag vivibratre ang phone ko. Nakadama ako ng inis sa hindi niya kaagad pagreply. Nakukulitan na ba siya saakin? Ayaw na ba niya akong katext? Bumuntong hininga ako at pamangalumbaba sa lamesa. Ano na kayang ginagawa ni Greg? O baka naman busy na siya. Sumimangot ako at magpapatuloy na sana sa pagsusulat ng biglang nag vibrate ang phone ko. Hindi na ito text kung hindi tawag galing kay Greg! Oh my God!

Tumikhim ako at sumubsob sa lamesa, inayos ko muna ang paghinga ko bago sinagot ang tawag niya.

"Hello" paos ang boses kung sabi at tinakpan ko pa ang bibig ko. Lagot ako nito kapag nakita ako ng guro!

"Trixie, sorry. May pinagawa kasi iyong professor namin. Ano'ng ginagawa ninyo?" sabi niya at rinig ko ang ingay sa kabilang linya.

"Nagsusulat. Meron iyong teacher namin" luminga ako sa klase at busy naman ang lahat, maliban na lang itong katabi kung lalaki na wala namang pakialam saakin.

"Diba sabi ko ay itago muna iyang cellphone mo?" huminga siya ng malalim at sinita niya ang maingay sa kung nasaan man siya.

"Huwag ka ng makulit sweety. Ayokong napapagalitan ka sa klase, this is your last warning. Responsibilidad kita dahil liniligawan kita, baka mamaya kolekin nila iyang cp mo. Ipatatawag nila ang parents mo at pagagalitan ka. Alam mo namang ayokong mangyari iyon sa'yo. Huwag matigas ang ulo Trixie. I know you, a lot"

Imbes na mainis ako sa panenermon niya saakin ay nalusaw ang puso ko sa kilig. Kainis naman kasi at may halong paglalambing ang boses niya! Imbes na matakot ako sa banta niya ay mas kinilig pa ako. Para ko siyang tatay at pinapagalitan ako dahil may nagawang masama. Kinagat ko ang ibabang labi ko at impit na tumili.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon