Kabanata 31: Against

705 18 0
                                    

Nalulungkot ako dahil madami ang nasira dito sa La Union dahil sa bagyong Egay. Pero andoon parin 'yong konting tuwa dahil pinapakita sa TV ang ilang settings ng AGFC Hihi.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nagtitipa ng irereply kay Jackson na kanina pa nangungulit saakin.

Ako:
Jackson, gabi na. Bukas na lang, please?

Jackson:
Ano? Mali ba 'yang orasan ninyo? Trixie alas sais pa lang! Sige na, magkita na tayo :(

Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa unan. Shit! Gustong sumigaw at tumalon sa kilig, pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka marinig ako nila mommy sa labas.

Ako:
Hindi nga kasi pwede, may curfew ako :( Bukas na lang okay?

Jackson:
Tatakas ka naman e, gumawa ka ng dahilan. Namimiss na kita kahit isang araw pa lang tayong hindi nagkikita. I love you, Trixie ko.

Dudugo na yata ang bibig ko kakagat. Gusto ko rin naman siyang makita at makasama. Kung wala lang ang parents ko ay talagang makikipagkita ako sa kanya. Masyadong malakas ang bugso ng damdamin namin sa isa't isa. Na kahit isang araw pa lang kaming hindi nagkikita ay namimiss nanamin ang isa't isa at parang ilang araw na kaming hindi nagkasama. Hindi ko alam kung ano'ng ginawa saakin ni Jackson. Ngunit ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong katindi ng pagmamahal. Mas higit pa ito kaysa kay Greg.

Ako:
Jackson, hindi pwede 'yon. Pagagalitan ako nila mommy atsaka baka magsumbong pa ang pinsan ko.

Jackson:
Alam ko. Sorry, gusto lang kitang yakapin at halikan. Puntahan na lang kaya kita diyan? Shit! Hindi kita matiis. Sige na, sige na, Trixie. Kahit sa labas lang ng subdivision ninyo.

Nanlaki ang mata ko, bumangon at umupo sa kama ng mabasa ang reply niya. God! Hindi na ba makapag-titiis ang lalaking ito at gagawa talaga siya ng paraan upang magkita kami!

Ako:
Jackson! Ang kulit mo naman, hindi ako papayagan, may family dinner kami dahil kararating lang nila mommy galing Europe. Huwag ng matigas ang ulo. Bukas na lang okay? I love you.

Nag pakawala ako ng malalim na buntong hininga at bumalik sa pagkakahiga. Ano na kayang ginagawa nila ni Sharlene? Ako ang nasisikipan sa bahay nila. O sadyang nasanay lang talaga ako sa malawak naming bahay. I miss them both. Gusto kong matulog sa bahay nila upang maranasan ang estado ng buhay nila. Sinabi ko 'yon kay Jackson ngunit pinagalitan niya lang ako. Ani niya'y, hindi daw ako sanay sa matigas na higaan at hindi pa raw kami pwedeng magsamang matulog.

Napapikit ako ng mariin at nag isip ng mga posibilidad na mangyayari sa relasyon namin ni Jackson. Alam kong madami ang magugulat kapag nalaman nilang wala na kami ni Greg at kami na agad ni Jackson. Magagalit si Greg, sigurado ako. Hindi ko naibigay sa kanya ang hinihingi niyang isa pang pagkakataon. Ano na lang ang magiging reaksyon niya? Ng ibang tao? Si Antonette at si Carlos? Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Ngunit isa lang ang alam ko. Hanggat kasama ko si Jackson, hindi ako matatakot na harapin sila. I have Jackson, at alam kong hindi niya ako hahayang masaktan.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Nakakapanibago dahil wala ng sumusundo saakin. Naiintindihan ko naman na walang sasakyan si Jackson. Magkaiba kami ng pinapasukang skwelahan. Ngunit kahit ganoon, nangako naman siyang sasabayan niya akong kumain tuwing lunch at ihahatid niya ako sa pag-uwi. Tumanggi akong pumunta pa siya dito tuwing tanghali ngunit hindi parin siya nag paawat. Ani niya'y, hindi raw siya katulad ni Greg na mas inuuna ang ibang bagay kaysa sa girlfriend niya.

That's too sweet. I appreciate Jackson's effort. Nasasayangan lang ako sa magagastos niyang pera. Gusto ko siyang bigyan ng pamasahe ngunit alam kong mamasamain niya lang ang pagtulog ko kaya naman umoo na lang ako. Kakausapin ko na lang siya ng masinsinan mamaya. Ayokong gumagastos pa siya ng pera dahil lang saakin. Ayokong dumagdag paako sa gastusin niya sa buhay.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon