Kabanata 36: Pagod na Pagod

689 17 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang noong graduation namin, heto at enrolment na nang first semester ng college.

"Ano, tara na?" ani Antonette na prenteng nakaupo sa sofa namin.

"Sandali, si Carlos pa." sagot ko at linabas ang phone ko mula sa bag ko. Kinagat ko ang ibabang labi ng makitang hindi pa nagtetext si Jackson. I'm worrying again. Sagad na sa trabaho ang isang 'yon.

"Napakatagal naman ng pinsan mo! Ano 'yon, nag me-make up?" humagalpak siya ng tawa at napapa-iling.

Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi niya. Talagang pumunta pa siya dito sa bahay para lang sabay sabay kaming papasok sa bagong school namin. Kinakabahan ako. Ganoon naman talaga kapag bagong tao nanaman ang mga makakasalamuha mo. Ilang sandali pa ay bumaba na ang magaling kong pinsan na kung titignan mo ay parang mamimingwit lang ng babae sa Ateneo sa porma niya. Siguro ay pagkakaguluhan nanaman sila once na pasukan na. Tss.

"Let's go?" wagas ang kanyang ngiti at linaro pa ang susi sa daliri niya at nauna ng lumabas.

Linapitan ako ni Antonette at siniko.

"Uy, ano'ng meron sa lalaking 'yon? Nakakapanibago at hindi suplado." nagkibit balikat ako at sumunod kay Carlos.

Umupo ako sa tabi ni Carlos habang si Antonette naman ay sa likod na may makahulugang ngiti sa labi niya. Umirap ako at itinuon na lang ang pansin sa labas. Matapos ang ilang minutong sakayan ay nakarating na kami sa school. Pinark ni Carlos ang sasakyan at saktong paglabas namin ay si George, David at Joaquin na ang sumalubong saamin. Nag man to man hug sila. Si Joaquin naman ay lumapit saakin at inakbayan.

"Hi Trixie babe!" wagas ang kanyang ngiti ngunit nilisi ko lang ang braso niya.

"Baka mapagkamalan akong girlfriend mo." ani ko ngunit tinawanan niya lang ako.

"Hindi ka naman ganyan noon, a, Trixie. Where's your boyfriend, huh?" nakakunot ang noo niyang tanong at luminga pa sa likod ko ngunit inirapan ko na lang siya at sumunod na kila Antonette na nauna na palang umalis.

"Uy, hintay naman diyan!" sigaw ni Joaquin at hinabol kami.

"Napakabagal mo! Lalandiin pa si Trixie, e taken na 'yan." ganti ni George.

"'Yon na nga, e, hindi niya kasama. Mag-aaral ba ang isang 'yon?" nagtataka parin niyang tanong. Inikutan ko siya ng mata at lumipat sa tabi ni Antonette na ngayon ay tahimik. Nakapagtataka at tiklop ang babaeng 'to kapag meron si David. Well.

"Nakakahawa pala ang katarayan mo, Carlos." humagalpak ng tawa si Joaquin at sinuntok ang braso ni Carlos ngunit dirty finger lang ang sagot nito.

Hindi naman sa tinatarayan ko si Joaquin. Ayoko lang na i-open nila ang topic tungkol kay Jackson dahil ako mismo ay hindi alam kung mag-aaral siya. Alam ko naman hindi niya kaya ang bayaran dito. Noong una palang sinabi ko na sakanya ngunit nagmatigas parin. Sa umaga ay nagtratabaho siya sa isang pabrika ng kandila, kasama niya ang kapitbahay nila na anak daw ni mama Charity. Sa gabi naman ay sa Jollibee siya nagtatrabaho hanggang alas dose ng hating gabi.

Kulang na lang ay sa pagtatrabaho niya ilaan ang lahat ng oras niya para lamang makaipon ng sapat na pera. Idagdag pa ang mga bayaran nila sa bahay kaya naman konti pa lang ang naiipon niyang pera ngayon. Minsan na lang din kung magkasama kami at kung hindi ko pa siya pupuntahan sa bahay nila ay hindi na kami magkikita. I understand his situation, though. Ang akin lang ay sana bigyan niya ng konting pahinga ang sarili niya.

Naging mabilis ang proseso ng pag eenrol namin dahil narin sa kilala ang parents ko dito. Business Ad ang kinuha ko. Si Antonette ay Political Science habang ang apat na lalaki naman ay tinuloy talaga nila ang pagkuha ng kursong tungkol sa computer.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon