Kabanata 16: Unexpected Visitor

775 21 0
                                    

Pinagpapawisan ako ng malamig at mabilis ang tibok ng puso ko habang inaakay namin ni Carlos si Jackson papasok sa bahay. Sari saring emosyon ang nararamdaman ko at maraming katanungan ang nasa isip ko tungkol kay Jackson.

"Are you sure na kilala mo siya? Damn, Trixie! Lagot tayo nito kay mommy!" nabalot ng iritasyon ang katawan ko sa sinabi ni Carlos. Can't he just help me?! Ang dami pangsatsat.

"Pwede ba, maglakad ka na lang! Tutulungan ko pa ba siya kung hindi ko kilala" umirap ako at hinigpitan ang hawak ko sa braso ni Jackson na ngayon ay wala paring malay. Papasok na kami sa guest room ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nila mommy. Parehas kaming napahinto ni Carlos at pumihit paharap sa parents namin. Nanlaki ang mata nila at laglag ang pangang lumapit saamin.

"Oh my God! What's happening here, Carlos and Trixie? Sino ang lalaking 'yan at bakit ninyo akay akay?" hysterical na sabi ni mommy at nagpaypay pa ng sarili. Napalunok ako at inayos ang pagkakalagay bg braso ni Jackson sa balikat ko. Anf bigat niya!

"Theresa, will you please calm down?" ani daddy at hinaplos ang balikat ni mama "Sige na, ipasok niyo na siya sa loob at mukhang nangangalay ka na, baby Trixie"

Sinunod namin ni Carlos ng sinabi ni daddy at dahang dahang pinahiga si Jackson sa kama. Nakakaawa naman ang lalaking ito. Mukhang pagod na pagod siya sa trabaho. Napapikit ako ng mariin at hinarap sila mommy.

"Who's that guy, darling?" ani mama at sinuri ang kabuuan ni Jackson. Tinignan ako ng makahulugan ni Carlos at tinaasan ng kilay. Sumilay naman ang kaba sa dibdib ko at napalunok. God! Paano ko ba hahawakan ang problemang ito?

"Sabi niya magkaibigan daw sila, delivery boy 'yan sa pinagbilhan ko ng pizza" walang ganang sabi ni Carlos.

"Is that true, baby Trixie? Ano ba'ng nangyari? Should I call our doctor? O ipagsabi natin sa parents niya ang nangyari kay- wait, what's his name?" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni daddy. I don't even know his parents, ni school at address niya ay hindi ko alam.

"Jackson po, Jackson Ruiz Jacalne Javier. Uhm, hindi ko po kilala ang parents niya at last last day ko lang po siya na kilala. Tinulungan niya akong sa isa kung project" napapikit ako sa pagsisinungaling ko. Damn! Kay Greg na nga nasisinungaling ako, pati pa sa parents ko. Oh, Trixie! Nababaliw na ako, pwede ko namang sabihin sa kanila ang totoo, pero heto at pinagtatakpan ko ang lalaking ito.

"What?!" Namilog ang matang sabi ni mommy "Mag kaibigan na kayo sa lagay na 'yon? Paano natin kokontakin ang magulang niya para sabihin ang nangyari sa kanya? Oh, Gilbert!" Napayakap si mommy kay daddy kaya naman hinagod niya ang likuran ni mommy. Sumulyap ako kay Carlos na puno ng curiousity ang mukha niya.

"Ano'ng gagawin natin diyan sa kaibigan mo? I'm worrying, Trixie" ani daddy at pinasadahan ng tingin si Jackson. Ako rin ay hindi alam ang gagawin. Shit! Kung bakit ba naman kasi nahimatay ang lalaking ito! Tumikhim ako at ngumiti ng pilit upang itago ang kabang nararamdaman ko.

"Ako na pong bahala, pauuwiin ko na lang siya kapag nagising. Don't worry, dad, he will be fine" napabuga naman ng hangin si daddy at umiling.

"Theresa, huwag ka ng mag panic okay? Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang binatang 'yan" umiling si mommy at pagod ang matang tumingin saakin. Great, malamang at may jetlag pa sila.

"Nag aalala parin ako, Gilbert. Paano kung may sakit pala-"

"Mom! Wala po siyang sakit, nahimatay siya dahil sa pagod, okay? He's a working student, baka hindi lang nakayanan ng katawan niya ang matinding pagod" putol ko sa sasabihin ni mommy. Mukhang nakumbinsi ko naman siya sa sinabi ko dahil lumambot ang mukha niya.

"Okay, we'll leave you three here. Carlos, ikaw na ang bahala kay Trixie. Pupuntahan lang namin saglit ang amiga ko. Call me when he's awake, naiintindihan niyo ba?" tumango ako at dinamba ng yakap si mommy, ganoon din si daddy.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon