Kabanata 17: Lying

846 22 0
                                    

Affectionate and Less than Three Series soon. And of course, ang Ortega Boys Series pa. More series to come. Hihi.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil maaga raw na papasok ngayon si Greg. Noong wala pa sila mama ay sinusundo niya ako sa tuwing umaga. But this time, ako na mismo ang nagsabi sa kanyang hintayin na lang niya ako sa school dahil narin sa hindi pa alam ng parents ko na boyfriend ko na siya. Kagabi ay sinubukan kung magpaliwanag sa kanya, kaso, gusto daw niya iyong personal. Kaya naman sa halip matulog ako ng maaga kagabi ay laman ng isipan ko ang sasabihin sa kanya.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na may gusto saakin si Jackson. There's something inside me. There's something with Jackson, at kailangan kung pasukin ang buhay niya. Kahit bawal, dahil kami na ni Greg. Napapikit ako ng mariin at hinilot ang sintido ko. I'm attracted to Jackson. I mean it. Pero habang maaga pa ay kailangan ko na siyang lubayan dahil mapanganib siyang tao. Hindi ko pa siya mapagkakatiwalaan at ayokong basta basta na lang masira ang meron saamin ni Greg.

Madaming katanungan sa aking isipan. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Greg ang lahat, na hindi ko mababanggit sa kanya na nasa bahay kahapon si Jackson. Hanggat maari ay ayoko ng palakihin pa ang issue'ng ito. Kung ano man ang magiging reaksyon ni Greg ay tatanggapin ko. Kahit sabihin niyang lubayan ko si Jackson ay gagawin ko. Dahil iyon ang dapat, kahit kalahati ng pagkatao ko ay hindi sang-ayon sa isiping iyon.

Siguro ay naawa lang ako kay Jackson dahil sa estado niya sa bahay. Yeah that's it. I hope so. Sana, 'yon lang ang sinasabi ng puso't isipan ko.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng school ay dali dali akong bumaba at hinanap ng paningin ko si Greg. Nasa tabi siya ng gate at nakaekis ang kamay sa dibdib habang nakayuko. Kumikirot ang puso ko sa isiping, naglilihim ako sa kanya. Iyon ang isa pang dahilan kung bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan. Secrets has been untold. Secrets remains forbidden. Iyon ang nakakatibag sa isang relasyon.

"Greg" ani ko ng makalapit ako sa kanya. Mabilis naman siyang nag angat ng ulo at nginitian ako. Damn Trixie! Paano ko nagawang magsinungaling sa isang katulad niya? Napabait saakin ni Greg, ng boyfriend ko. Ang gaga ko at binibigyan ko ng atensyon si Jackson.

"Goodmorning sweety" ani niya at hinalikan ang noo ko bago kinuha saakin ang bag ko.

"Goodmorning, kanina ka pa?" umiling siya at hinila ako papasok sa school.

"Hindi naman, kararating ko lang din" sagot niya at dinala ako sa isang tabi na walang masyadong studyante dahil maaga pa naman. Linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko at huminga ng malalim. Kinakabahan ako.

"Greg, iyong tungkol kay Jackson" sandali akonh napatigil at humugot ng sasabihin.

"Sorry kung naglihim ako sa'yo-"

"Kailan pa?" parang tumigil ang tibok ng puso ko sa malamig at seryoso niyang sabi. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sorry, hindi ko sinabi sa'yo dahil sinabi mong layuan ko siya dahil mapanganib siyang tao. I'm sorry Greg at hindi ko sinunod ang bilin mo" tiim ang bagang niya at bakas ang galit sa mata niya. This is what I got from lying. I deserve this.

"I told you, to stay away from him. Hindi mo siya kilala, Trixie. Wala siyang sinasanto. Kailan kayo nagkakilala? Ba't hindi mo man lang sinabi saakin?" napayuko ako at hindi ko magawang salubungin ang galit niyang mukha.

Alam kung mapanganib si Jackson. Saksi ako sa ilang niyang kagaguhan. Tulad iyong pang aagaw niya ng girlfriend noong lalaki sa mall. Iyong pagsesex nila noong babae sa may Janitor's Room. Magkapera lamang siya. Pero kahit ganoon, may ilang side siya na nakakapagpalambot ng puso ko. Iyong pag aalala niya kay Sharlene, sa kapatid niya. At halos mahimatay na siya sa pagod makahanap lamang ng pera. Alam kung may dahilan si Jackson kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na 'yon. At kailangan kung malaman iyon.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon