Kabanata 12: Girlfriend

823 21 0
                                    

"What?! Kayo na ni Greg?!" halos isigaw na 'yan ni Antonette sa pagmumukha ko habang may laman ang bibig niya. Sinaway ko siya dahil napatingin narin saamin ang ilang andito sa canteen.

"Shh. Ang ingay mo!" sambit ko. Uminom naman siya ng tubig at bumulong.

"Pakiulit nga, Trixie. Kayo na ni Gregorio Xavier Beltran Clemente?!" hindi makapaniwala niyang tanong. Tumango ako na may wagas na ngiti sa aking labi at sumipsip sa iniinom ko. Kinikilig parin ako sa isiping kami na ni Greg, kahit apat na araw na simula noong sinagot ko siya.

"Oh my God! Kailan pa?! Ba't ngayon mo lang sinabi?!" Halos mag panic na si Antonette kaya naman binigyan ko siya ng tubig na mabilis naman niyang ni isang lagok. Tumawa ako at pinunasan ang gilid ng labi niya. Napaka OA talaga nito minsan.

"Apat na araw na, ngayon ko lang sinabi kasi-"

"Kasi ano?!" Sigaw nanaman niya at halos pitpitin na niya ang hawak na coke in can. Tinapik ko ang balikat niya at huminga ng malalim bago sumagot. Kung andito lang si David ay sigurado akong mag aaway nanaman silang dalawa sa ingay niya.

"Ngayon ka lang nagkaroon ng oras saakin eh. Ayoko namamg istorbohin ka sa paggawa ng projects para lamang sabihing boyfriend ko na si Greg" inirapan ko siya at sumubo ng kanin. Nag spark naman ang mata niya at bigla na lang hinampas ang lamesa na halos mayugyug na ang drinks namin. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit nginitian niya lang ako ng wagas.

"Bruha ka! Dapat sinabi mo saakin kaagad! Importante 'yon dahil kasama mo ako noong unang date ninyo ni Greg! OMG! Mag kwento ka dali!" lumipat siya sa tabi ko at nagsspark nanaman ang mata niyang naghihintay sa sasabihin ko. Binitawan ko naman ang hawak kung kubyertos at uminom muna ng tubig at hinanda ang sarili ko. Ako mismo ay naeexcite sa pagkwekwento. Wala kasi akong mapaglabasan ng kilig ko sa bahay. Hindi naman pwede kay Carlos dahil sigurado akong aawayin lang ako noon.

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ki ng unahan na ako ng magaling kung pinsan na ngayon ay kararating lang kasama si George, Joaquin at David.

"A date with Greg? At ano ang ikwekwento sa'yo ni Trixie, Antonette?" Lumipat naman ang tingin ni Antonette kay Carlos at ngumisi. Humalik naman si David sa pisngi ni Antonette at tumabi ito sa kanya. Umupo naman si Joaquin sa tabi ko samantalang si Carlos at George ay sa harapan namin. Ang excitement ko sa pagkwekwento ay naghalong parang bula dahil sa apat ito. Kainis! Ba't ba andito ang apat na ito! Specially my cousin na ngayon ay nakataas ang kilay saakin.

"Kasi ano-" tinakpan ko ang bibig ni Antonette at tumawa ng peke. Kumunot ang noo nilang apat at tumitig saamin ni Antonette.

"Ah ano! Wala iyon, usapang babae. Diba, Antonette?" tinignan ko ng makahulugan si Antonette at tinanggal ang kamay ko sa bibig niya. Napanatag ako sa ngiti niya ngunit mabilis na binalot ng inis ang sistema ko sa sinabi niya.

"Sila na ni Greg! OMG! Kinikilig ako!" humampas pa siya kay David kaya naman ngumiwi ito.

"Antonette! You're being rude again. Ba't ka ba kinikilig sa Greg na 'yon eh mas gwapo naman ako!" Ngumiti ng wagas si Antonette at kumapit sa bisig ni David.

"What? Boyfriend mo na ang Clemente na 'yon? What the hell, Trixie Miguela?! Kailan pa naging kayo!" napatigil sa paglalampungan ang dalawa sa sinabi ni Carlos.

"Oo nga, Trixie babe, liligawan pa kita! Ba't 'di mo ako binigyan ng chance?" segunda naman ni Joaquin. Binatukan ko siya ngunit tinawanan niya lang ako at inakbayan.

"What's wrong? Mukhang seryoso naman iyong si Greg" nakangiting sabi ni George. Buti pa ang isang 'to ay mukhang ayos lang sa kanya na may boyfriend ako. Unlike my bitter cousin. Pinagekis ko ang aking kamay at tinaasan ng kilay si Carlos.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon