Kabanata 1: Ex

2.7K 26 2
                                    

PS: Earlier than A Glimpse from Carlos. Nangyari ito bago pumunta si Trixie sa La Union (base from AGFC) And yes, gagawan ko ng book 2 ang AGFC, pero 'di ko muna ipopost dahil priority ko muna ito ngayon. #Spoiler

"Wagas ang ngiti Trixie ah! Kamusta naman ang panliligaw ni Greg?" tinaas baba pa ni Antonette ang kanyang kilay at umupo sa harapan ko. Sinuklian ko naman siya ng ngiti at inikot ang ballpen sa buhok ko.

"Ayos naman, wagas mag effort" tumawa ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Humagikhik naman siya at kumuha sa kinakain kung fries.

"So, kailan mo ba siya sasagutin aber? Dalawang buwan na yatang nanliligaw ang lalaking 'yon sa'yo" napatigil naman ako sa pagsusulat at tinaasan siya ng kilay. She mouthed 'what' and shrugged her shoulder.

"Grabe ka naman makadalawang buwan! Isang buwan pa lang ano" tumawa naman siya muling kumuha sa fries. Tinapik ko ang kamay niya ngunit inikutan niya lang ako ng mata. Nakakapanibago at andito ngayon ang babaeng ito. Kapag break time kasi ay palagi niyang kasama si David na boyfriend niya, nakakalimutan na nga ako ng babaeng 'to simula noong nagka boyfriend siya.

"Ano ba ang ginagawa mo dito? Where's David?" linigpit ko ang gamit ko sa bag at pinagekis ang kamay sa dibdib. Sumimangot naman siya at pumangalumbaba sa lamesa.

"Alam mo na, nagpapracrtice sila sa gym, naiinis nga ako sa lalaking 'yon!" ani niya.

"Nag away nanaman kayo? Grabe ah! Parang noong isang araw lang kayo nagkabati tapos ngayon, away nanaman?"

Humagalpak ako ng tawa na halos mapahampas na ako sa lamesa. Kaya hindi ko pa sinasagot si Greg eh, gusto ko sigurado na ako sa lahat ng bagay at handa na akong magkaboyfriend. Hindi naman sa natatakot ako, it's just, tyumetyempo lang ako at pinag aaralan pa ng mabuti ang galaw ni Greg. Hindi naman sa hindi siya seryoso saakin, nakikita ko naman ang wagas niyang effort. Through action ang words, may mga 'what if' lang saaking isipan. I trust him, but I don't trust myself when it comes to love. Madali lang akong magsawa sa isang relasyon lalo na kung hindi na ako masaya. I'm not a martyr either, kung nasasakal na ako, break kaagad.

"Hindi kami nag away! Ako iyong umaway" mas lalo siyang sumimangot kaya naman tumigil ako sa pagtawa. Timikhim ako at umayos ng upo.

"Kaway kasi siya ng kaway sa mga fans nila, I mean, bakit pa siya nag eentertain ng ibang babae eh andito na nga ako na girlfriend niya! Nakakabwisit lang ang David na 'yon!" Ngumisi ako at tinapunan siya ng makahulugang tingin.

"OA mo Antonette! Alam mo namang buhay na nila ang pagsasayaw hindi ka pa man niya nakikilala. Tignan mo si Carlos, iniwanan ng girlfriend dahil priority daw niya ang pagsasayaw. Nabwisit 'yong girl, ayon at naghanap ng ibang malalandi!" Umirap ako sa ere ng maalala ang huling nakarelasyon ng pinsan ko. Isang buwan pa lang yata noong mangyari iyon.

"Kapag ipinagpatuloy mo 'yan, sige ka at baka mabwisit 'yon sa'yo at maghanap pa ng iba. Girlfriend ka na niya Antonette, imbes na magmukmuk ka eh, why not ipangalandakan mong ikaw ang babae ni David? Support him, at baka mas ganahan pa 'yon sa'yo. Huwag kang magpaapekto sa mga pipitsugin niyang fans!"

Napatigil naman siya sa sinabi ko at napatitig saakin, tinitigan ko rin siya na may mapaglarong ngiti sa labi. Unti unti ay sumilay ang wagas na ngiti sa labi niya na may gustong iparating. Umikot ang mata ko at napatingin sa relo ko, thirty minutes pa bago mag ala una. Nagulat na kang ako ng bigla niya akong yakapin at humalik pa sa pisngi ko.

"Antonette! God! Lumayo ka nga!" Sigaw ko. Lumayo naman siya at hinampas ako sa braso bago bumalik sa kinauupuan niya. Tinignan ko siya ng masama ngunit kinindatan niya lang ako at tumawa. Napapatingin narin saamin ang ibang andito sa canteen dahil sa lakas ng sigaw ko.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon