Kabanata 21: Careless

748 26 4
                                    

Hinablot saakin ni Antonette ang ID ni Jackson at akmang isisilid 'yon sa bag niya ngunit mabilis ko naman iyong inagaw sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko at nagtatakang tinaasan ako ng kilay. Tumikhim ako upang kumalma ang naghaharumentado kung puso.

"Akin na lang 'to" masigla kung sabi at mabilis 'yong sinuot sa leeg ko. Kumunot ang noo niya at pinagekis ang kamay niya sa dibdib.

"At bakit? Huwag mong sabihing type mo ang magnanakaw na 'yan? Oh come on, Trix! May Greg ka na. Give me that" inilahad pa niya ang kamay niya ngunit umiling ako at hinawakan ang ID ni Jackson ng mahigpit. Kahit ito lang ang maging rason ko para muli siyang makita. It's been a week, and yes, I miss Jackson, a lot.

"Trixie, alam ko namang gwapo ang lalaking 'yan. Pero, seryoso? Ba't ayaw mong ibigay saakin 'yan?" ani niya. Nag isip naman ako ng isasagot at kinagat ang ibabang labi ko. Syempre, hindi ko pwedeng sabihin na kilala ko si Jackson. Siguradong magtataka siya.

"Uhm ano, siya kasi 'yong crush ni Jelay at Beatrice! Oo siya nga!" masigla kung sabi at tumawa ng pilit.

"Ano namang kinalaman nila? At Trixie, baka makita pa 'yan ni Greg! Baka isipin niyang nanglalalaki ka!" humagalpak ng tawa si Antonette ngunit kaagad ding tumigil ng mapansing hindi ako natawa sa sinabi niya.

"Uy! Seryoso ka naman masyado, Trixie. Nag aalala lang naman ako sa'yo. Parang ang tamlay mo kasi sa nakalipas na araw. Nag away ba kayo ni Greg?" ani niya at umupo sa damuhan sa silong ng puno. Bumuntong hininga ako at tumabi sa kanya. Hindi ko parin binatawan ang ID ni Jackson dahil baka bigla na lang niya iyong hablutin. Ngunit mukhang seryoso naman si Antonette kata binitawan ko na lang 'yon at nagbunot ng damo.

"Hindi kami nag-away, actually, we're okay. Masaya" ani ko at ngumiti ng pilit. Masaya nga ba ako sa piling ni Greg? O baka nalulungkot lang ako dahil hindi ko na muling nakita pa si Jackson.

"Talaga? Hindi ko alam, Trixie, parang ang lungkot kasi ng mata mo" napaawang naman ang labi ko. Bigla ay sumilay ang kaba sa dibdib ko.

"A-ano?" nagkibit balikat siya tinagilid ang ulo niya.

"O baka naapektuhan lang ako sa relasyon namin ni David. I don't know, Trixie. Pero mukhang nagkakalabuan na kami" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at pinaharap siya saakin.

"What? Ano'ng ibig mong sabihin? Antonette, mahal ka ni David!" napatakip ako sa bibig ng makita ang butil ng luhang dumaloy sa pisngi niya. Antonette is a happy person. Iyong tipong parang wala siyang dinadalang problema sa buhay. But this time, ngayon ko lang nakitang umiyak si Antonette.

"Oh my God!" Bulalas ko at yinakap siya ng mahigpit. Humagulhol siya sa bisig ko kaya naman hinayaan ko siya at hinagod ang likod niya.

"I saw him, maraming beses na. Lagi niyang kasama iyong si Ms. President ng Business Ad. I saw them kissing" hinawakan ko ang balikat niya at hinarap siya. Patuloy ang pagragasa ng luha sa pisngi niya. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang luha niya.

"Antonette" ani ko. Tumawa siya ng peke at siya na mismo ang nagpunas ng luha niya.

"That bastard! Sana ay nakipaghiwalay muna siya saakin bago nambabae! Pero iyong harap harap ko siyang nakikita na nakikipaghalikan sa iba? God, Trixie! Ang gusto ko na lang ay sunugin sila ng buhay!" umiwas siya ng tingin at yinakap ang sarili niya.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya naman napatitig na lang ako sa nakatagilid niyang mukha. I feel sympathy. I can feel her pain, her agony. Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang nararamdaman ni Antonette. Bumuntong hininga ako at akmang magsasalita na sana ngunit mabilis siyang tumayo at pinunasan ang luha niya gamit ang likod ng palad niya. Tumayo rin ako at hinawakan ang balikat niya.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon