Chapter Fifty

84 5 6
                                    

Calvin

Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan ko sila Mom and Dad na nanonood ng TV.

"Calvin mabuti naman at dumating ka na anak. We're watching horror movie." bati sakin ni Mom.

"Samahan mo kami ni Mama mo dito manood, anak." dugtong ni Papa.

Nakangiti naman akong lumapit sa kanila.

"What do we have here? Hmm The Hills Have Eyes. Di ko pa 'to napanood ah" bungad ko sa kanila.

Wala pa sa kalahating oras ay nakaidlip na si Papa.

Pareho kaming natawa ni Mama.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang biglang umimik si Mama.

"So how's Carson?" tanong nito.

"Uhm he's doing great." tipid kong sagot without giving off any details about what Carson and I have.

"I see..." makahulugang tugon ni Mama.

"I see that you're very close to each other." dugtong nito.

"Yah we're hanging out a lot. He's like a brother to me now." sagot ko.

"I think you've grown to love him too." turan uli ni Mama na ikinagulat ko.

Bigla akong natulala sa sinabi nito.

"Well yeah as a brother." patay-malisya kong sabi.

"Hayy you really didn't change, Calvin." iiling iling na sabi sakin ni Mama habang nakangiti.

"Uhm? what do you mean?" clueless kong sabi.

"Kahit hindi mo sabihin ay alam ko, anak." marahan nitong sabi.

Napakunot lalo ang noo ko sa sinabi nito.

"Listen. I know that what you and Carson have is not just some friendly or brotherly connection. I know that there's more to it. I honestly think that it is more deeper than that." malumanay na pagpapaliwanag ni Mama.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"How did you know?" ang tanging nasabi ko.

"I watched you grow. Hindi man kita madalas kasama ay alam ko kung sino ka anak. I've known you since you were a child. Do you really think I wouldn't notice?" naiiyak na sabi nito.

"Mom, I'm sorry." basag na boses kong bulalas.

Tanging yakap lang naisagot ni Mama.

And that is more than enough for me.

"Does dad know?" tanong ko sa kanya in between my sobs.

"Yes of course. He's kind of disappointed at first but we can't avoid that. Just know that we're proud of you no matter who you are. Ikaw pa rin ang Calvin na pinalaki namin and that's all that matters. Please don't think any less of yourself." umiiyak na sagot sakin ni Mama.

And with that I burst into a cry.

~*~

"I'll be going now." paalam ko ko kila Mama at Papa matapos kaming kumain ng almusal.

"Wait here. May kukunin lang ako." pagpipigil sakin ni Mama.

Agad naman siyang nagtungo ng kusina.

Pagkabalik ni Mama ay may dala-dala na siyang Choco mousse cake.

"I baked for Carson!" ngiting ngiti na sabi nito.

Nangingilid ang luha kong niyakap si Mama.

"Thank you!" sabi ko sa kanya.

"Naku nag-drama pa ang anak ko. O siya lumarga ka na at ingatan mo yang cake para kay Carson." pabirong tugon ni Mama.

Pareho kaming natawa.

Pagkarating sa bahay nila Carson ay napansin kong may nakaparadang motor sa harapan ng gate nila.

Agad na uminit ang ulo ko at halos talunin na ang bahay nila para makapasok lang sa loob.

Pagkapasok sa loob ay nadatnan kong may kausap na lalaki si Carson.

Nanlaki ang mga mata ni Carson nang mapansin ako nito.

Akmang lalabas na ako ng bahay nila nang biglang may humawak sa kamay ko.

Si Carson.

"Saan ka pupunta?" nagtataka nitong sabi.

"Uuwi na. Ano pa ba sa tingin mo?" naiinis kong bulyaw.

"Ang aga aga nag-aaburido ka. Anong problema mo?" sabat niya sakin.

"You bring home a man. What else do you think I would feel?" irita kong sagot.

"Selos ka?" nakangising asar nito.

"And you're proud of it?" hindi makapaniwalang sabi ko.

At ang siopao na loko tinawanan lang ako.

"Anong nakakatawa ha?" hamon ko.

"Bakit ngayon ko lang napansin na lumalaki pala butas ng ilong mo pag nagagalit." hagalpak nitong sabi.

At talagang iniinis pa ako nito.

"Great. I'm out." inis kong sabi sabay lakad palayo.

"Teka nagbibiro lang naman ako. Yung pinagseselosan mo katrabaho ko." pagpipigil nito sakin.

"And how would I know that you're not having an affair with him?" turan ko.

"Relax. May asawa na siya." paliwanag nito sakin.

"That doesn't give me any assurance." matabang kong sabi.

Napasapo na lang siya sa kanyang noo.

Agad ko naman siyang tinalikuran at naglakad na palayo.

Nagulat na lang ako nang bigla ako nitong yakapin sa likod.

"Sorry na." malumanay nitong sabi.

Biglang uminit ang mukha ko.

Kumalas ako sa yakap nito at hinarap siya.

"Mom baked you a cake." nahihiyang sabi ko sabay abot sa kanya ng kahon.

"Seryoso ka?" di makapaniwalang sabi nito.

"Wow choco mousse!" parang batang sigaw nito.

"I told Mom you love chocolates." turan ko.

"Teka nakwento mo ako sa kanya?"

"Yup. I don't see any problem telling my mom about my boyfriend."

Nangingilid na ang luha ni Carson matapos niya itong marinig sakin.

"Uhm tara sa loob. Ito na lang gawin kong agahan." sabi nito.

"Ayaw mo ba ng jumbo hotdog ko?" makahulugan kong sabi.

Namula agad ang mukha nito.

"Gagu may bisita ako." pulang pula ang mukhang sagot nito.

"No problem. He can go home." natatawang sabi ko.

Iiling-iling naman itong naglakad palayo.

"Teka hintayin mo ko!" sigaw ko sa kanya.

At ang loko tinakbuhan ba naman ako.

"Pag nahuli lang talaga kita kakanain ko yang tumbong mo." nakangising bulong ko.










To be continued...

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon