Chapter Forty Five

235 11 13
                                    

Mr. Cap

I'm on my way to Carson's house to plead just for him to talk to me.

Magdamag na niyang di sinasagot ang mga tawag ko, and it's freaking me out.

It's already past 8 o'clock nang makarating na ko sa kanila.

Sarado ang gate kaya naman sumigaw ako mula sa labas.

"Carson!"

"Carson please mag-usap tayo." I pleaded.

"Carson!"

Patuloy pa rin ako sa pagsigaw nang biglang may lumapit sa aking ale.

"Naku iho kanina pa nakaalis si Carson diyan." litanya nito.

Napahilamos nalang ako sa aking mukha out of frustration.

"Alam niyo po ba kung saan siya pumunta?" tanong ko sa ale.

"Mukhang pumunta sa kanyang trabaho iho, nakauniporme kasi siya pagkalabas niya."

"Ganun po ba, sige ate salamat po."

Linggo nga pala ngayon at may shift siya sa flip n' sip.

Nagmadali na akong nagtungo sa aking kotse at pinaandar agad ito.

Ilang minuto lang ay narating ko na ang kanto kung saan nakatayo ang kanilang pwesto.

Malayo palang ay tanaw ko na ang karatula nito.

Maingat kong iginarahe ang aking kotse sa tapat at nagmadaling nagtungo sa stall kung saan nagta-trabaho si Carson.

Napangiti ako nang mahagip ng mata ko si Carson.

Agad din namang naglaho ang ngiti sa aking labi nang makita kung sino ang kasama nito.

Si William.

Napayukom agad ang aking kamao sa galit.

"Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kasi may inaasikaso kang iba?" sigaw ko na siyang nagpabulabog sa dalawa.

Natigil ang dalawa sa pag-uusap at gumuhit ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Couz what's your problem?" tanong ng ungas kong pinsan.

"What's your problem mo mukha mo!" sigaw ko sabay suntok sa pagmumukha nito.

"Calvin!" sigaw ni Carson tsaka nito inalalayan si William na duguan na ang ilong.

"Ano bang pumasok sa isip mo at bigla ka nalang nanggugulo rito?" galit na sigaw sakin ni Carson.

"Sinong di magagalit e sinusulot ka ng ungas na yan!" untag ko.

"Calvin anong pinagsasabi mo? Nag-uusap lang kaming dalawa." paliwanag nito.

"Kilala ko ang ungas na yan lahat ng pag-aari ng iba inaangkin niya." patutsada ko.

Matalim akong tiningnan ni William at mabilis na sinugod ng suntok.

"William ano ba magsitigil nga kayo!" pag-aawat sa kanya ni Carson.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon