Chapter Fifty Two

93 3 2
                                    

Carson

Patapos na ang araw ay wala pa rin ako sa wisyo para makinig sa mga lectures ng mga instructors namin.

"Are you sure you're okay?" pang-sampung beses na tanong sakin ni Calvin ngayong araw.

"Okay lang ako. Tinatamad lang talaga ako ngayong araw." pagsisinungaling ko.

Pero ang totoo gusto kong sumigaw at umiyak.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga salitang binitawan sakin ni William.

Ganun na ba talaga ako kamanhid para hindi maramdamang nasasaktan pa rin siya dahil sakin?

"Let's go." biglang imik ni Calvin na ikinagulat ko.

"Ha?" lutang kong sabi.

"Tapos na ang klase. O baka naman gusto mong matulog dito magdamag?" sumbat niya sakin.

"Tapos na ba? akala ko kasi hindi pa." pagtataka ko.

"Akin na yang bag mo." sabi nito sakin.

Inabot ko naman sa kanya ang bag ko at binitbit ito palabas ng classroom.

"Are you still fed up to whatever William said to you?" usig nito habang naglalakad kami sa hallway.

Hindi ako nakaimik sa sinabi nito.

"Silence means yes." dugtong ni Calvin nang wala siyang nakuhang sagot mula sakin.

"Hey guys wanna hangout with us? singit ng ka-department naming si Sophia nang madaanan niya kami sa hallway.

"Yes. Kelan ba?" sagot ni Calvin na siyang ikinagulat ko.

Pinanlakihan ko ng mata si Calvin pero tila hindi niya nakuha kung ano ang gusto kong ipasabi.

"Tonight at 6. Limestone bar." matinis na boses na sagot naman ni Sophia habang nanlalagkit itong nakatingin kay Calvin.

Sa sobrang inis ko ay hinila ko na agad palayo si Calvin at baka may masabunutan ako ng wala sa oras.

"Anong problema mo?" inis na tanong sakin ni Calvin.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sayo. Bakit ka pumayag na sumama sa kanila." irita kong sabi sa kanya.

"I'm doing it for you. Sa lagay mo ngayon I think you might need some distractions." paliwanang niya sakin.

"Hindi ko kailangan ng lecheng distraction sa ibang tao. Kung gusto mo pumunta ka mag-isa mo." sagot ko sa kanya at nauna nang naglakad.

"Why do I feel like you're moving on from him. Naging kayo ba? Did you had an affair with him?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ito mula sa kanya.

Hinarap ko siya at nakapinta sa mukha nito ang galit.

"Hanggang ngayon ba ay wala ka pa ring tiwala sakin? Walang namagitan samin ni William and you know that."

Natahimik siya nang sabihin ko ito sa kanya.

Hinablot ko pabalik ang bag ko sa kanya at naglakad na palayo.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon