Chapter One

1.4K 72 14
                                    

Karamihan naman siguro sa atin ay merong Jeepney Love Story.

Yung tipong ayaw mo nang pumara at tabihan na lang si crush sa buong biyahe.

O di naman kaya na-love at first sight ka don sa katabi mo sa jeep.

Yung akin kasi hindi ko alam kung Jeepney love story.

Hindi naman si crush yung katabi ko.

Hindi rin naman ako na-love at first sight.

Napaka-cliché kasi sa totoo lang.

Ito na siguro yung pinaka-sabaw moments sa buong buhay ko.

Bale isa na rin sa pinaka-nakakahiyang araw ng buhay ko.

Ganito kasi yon. Sumakay ako ng jeep nung araw na yon kasi punuan na ang mga bus.

Traffic din noong araw na yon kaya mabagal ang usad ng mga sasakyan.

Mga ilang minuto lang ay huminto ang jeep sa tapat ng mall.

Nagulat na lang ako nang mapansing lahat ng pasahero ay nagsibabaan na.

Maliban ako at nung katabi kong lalaking matangkad na naka-uniporme at naka-cap ng blue.

Lumapit ako sa kanya ng kaunti para iabot ang bayad ko.

"Kuya paabot po."
sabi ko rito.

Bigla siyang napalingon pagkasabi ko non.

At sa di inaasahang pangyayari biglang nagpreno si manong driver dahilan para mawalan ng balanse yung katabi kong lalaki at aksidente itong pumaibabaw sakin.

Amoy na amoy ko ang matapang nitong pabango.

Nakakalasing ang amoy nito.

Napatitig naman ako bigla sa kanyang mga mata na tila nangungusap.

Ramdam ko rin yung mainit nitong hininga na bumubuga sa leeg ko.

Pero mas ramdam ko ang bigat ng kanyang katawan.

Kayat walang ano-ano'y napabangon ako bigla at sa pagbangon kong yon ay nailapat ang labi ko sa labi niya.

"S-sorry." natataranta kong sabi.

Agad akong napaiwas ng tingin at lumayo sa kanya habang ramdam pa rin ang pamumula ng aking pisngi.

Napatalikod ako sa sobrang kahihiyan.

Maging siya.

Maya't maya ay nakita ko sa peripheral view ko na lumingon siya sakin.

Kung hindi ako nagkakamali ay namumula ang pisngi nito.

Ni minsan hindi ko hiniling na magkaroon ng Jeepney love story.

Pero bakit binigyan ako ng isa?

Iyon nga lang DISASTER at hindi LOVE STORY.

Disaster din kaya yung naghihintay na love story para sa akin?

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon