Chapter Sixteen

299 42 0
                                    

"Uyy akin yan ano ba magsalok ka ng sayo!" sigaw ko kay Mr. Cap pagkatapos nitong agawin yung chocololate syrup na galing sa chocolate fountain na pinagsasaw-sawan ko ng tinapay.

"Andamot nito nasabihan lang na cute kanina kung umasta kala mo na kung sino." sagot nito.

"Bakit e totoo naman talaga."

"Na alin? na cute ka?"

"Oo cute kaya ako." sabi ko sabay ngiti ng pabebe.

"Yuck mas cute pa tuta namin kesa sayo. Ako kaya yung cute sating dalawa." sabi nito.

"Ang kapal sino bang nagsabi na cute ako? Yung Mama mo lang naman." sabi ko sa kanya habang nakangisi.

"Oo sinabi niya yon pero she doesnt mean it alam mo kasi malabo na yung paningin non." pangontra nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Aba lumalaban ang tukmol.

"As far as I know nasabihan mo na akong cute dati."

"In your dreams hahahaha kelan naman yon aber?"

"Nung araw na niyakap mo ako."

Pagkasabi ko non sa kanya ay biglang namula ang magkabilang pisngi nito.

Huli ka balbon.

Akala siguro niya dati hindi ko narinig.

Nagbingi-bingihan lang kaya ako nung araw na yun.

"Huyy wala akong sinabing ganun. Imbento ka!" protesta nito.

"Bakit mo nga pala ako niyakap non?" pag-iiba ko ng usapan.

"Yun ba? ah-e kasi...kasi ano."

"Kasi ano?"

"Uhm. I just got carried away." namumula nitong sagot.

"Ah okay mabuti na yung malinaw."

Bigla ko tuloy naalala nung ipakilala ako ni Mr. Cap sa Mama niya kanina.

"Oh iho andito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap for you to start the program. At sino naman 'tong cute na binatang kasama mo?"

"Sorry mom, by the way he is Carson, my bestfriend."

"You're far from being an introvert now iho. I'm so happy for you."

"Thanks mom."

"Bweno I have to go sunod ka na lang anak. And Carson, nice meeting you iho. Ang cute mo talaga!" sabi nito sabay pinch sa magkabilang pisngi ko.

Ansakit non ah.

Pang-gigilan ba naman ako.

....

Nakakataba pala ng puso na magkaroon ng bestfriend.

"Huyy Carson natulala ka diyan? ano napopogihan ka sakin? Hahaha sabi ko na nga ba e may gusto ka sakin." sabi nito habang nakangisi.

Inirapan ko lang siya.

"May naalala lang ako." halos pabulong kong sabi.

"Ano naman yon?" curious nitong tanong.

"Yung kanina nung ipinakilala mo ko sa Mama mo." sagot ko.

"Ahh yun ba. Mag-bestfriend naman talaga tayo diba?" kinakabahan nitong tanong.

"Ayun na nga pinag-iisipan ko kung pano yon nangyari. Pano mo nasabi na bestfriend mo ko." seryosong sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito at ang kaninang malapad na ngiti ay kumurba ng malungkot.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon