Chapter Forty Eight

138 5 2
                                    

Carson

Napabalikwas ako sa aking kama nang marinig ang malakas na busina sa labas ng bahay.

Pupungas pungas akong bumangon at padabog na naglakad patungo sa bintana sa sala para tingnan kung sino ito.

Turns out si Mr. Cap lang pala.

At ang tukmol abot tenga naman ang ngiti nang makita ako.

Inirapan ko lang siya at bumaba ng bahay para pagbuksan siya.

"Ang aga mo namang mambulabog"
bungad ko sa kanya.

"Good morning!" ngiting ngiti nitong sabi.

"I brought you breakfast by the way."
dagdag nito sabay abot ng dala nitong supot.

"Sus may pasuhol pa." pakipot kong sabi pero palihim namang kinikilig.

"Niluto ko yan." proud nitong sabi.

"Talaga?"

"Oo naman. Hulaan mo kung ano." ngiting ngiti nitong tugon.

"Hmm pritong manok?"

"Carson really? anong akala mo sakin prito lang ang alam lutuin?" nakasimangot nitong bulalas.

Natawa ako sa reaksyon nito.

"Biro lang kaw naman. Alam ko namang self-proclaimed chef ka e." asar ko sa kanya.

"You know what nevermind, i'll take those." pikon nitong sabi sabay agaw ng bigay nitong supot.

"Teka akin na 'to binigay mo na sakin e. Sige hulaan ko na kung ano 'to"

Pinahawak ko sa kanya ang supot at kinuha ang laman nitong tupperware.

Inamoy ko ang singaw nito at agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko.

"Chicken Nutella. Niluto mo yung paborito ko." halos maiyak iyak kong sabi.

"Yup." nahihiya nitong sabi.

"Thank you!" sa sobrang saya ko ay napayakap ako sa kanya.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at excited na nagtungo sa bahay.

"Ano iiwan mo na lang ako dito?"
sigaw ni Mr. Cap.

"Sorry nakalimutan kita sa sobrang excited ko." natatawa kong sabi sa kanya.

Naiiling naman itong sumunod sakin.

Nagmadali kong hinain ang dala nitong chicken nutella sa mesa at kumuha ng plato at kubyertos.

Sumandok ako at mabilis na pinapak ang manok.

Nagkanda-tulo na ang sauce nito sa mga daliri ko kaya naman agad ko itong dinilaan.

"Sarap?"

Natigil lang ako nang marinig ang boses ni Calvin.

Lumingon ako sa kanya at kita ko ang nakangising mukha nito.

Kinindatan ko siya at isinawsaw ang isang daliri ko sa plato.

Sinimot ko ang sauce na nanggaling dito habang nakatingin sa kanya.

Pabalik-balik kong sinubo ang daliri ko at kita ko agad ang pagbabago ng expresyon sa mukha nito.

"Mukhang may iba ka atang gusto isubo." mapang-akit nitong sabi.

Bigla akong nag-init.

"Parang ganun na nga." sabi ko sa kanya sabay dakma ng alaga nito sa ilalim ng mesa.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon