Chapter Twelve

353 42 0
                                    

Mr. Cap

Lunes, araw ng Birthday ko.

"Happy Birthday Mr. Cap!" nakangiting bungad sakin ni Carson pagkapasok ko palang sa gate ng school.

"Ayos ah talagang sinalubong mo pa ako. Oh asan na yung gift ko?" sabi ko sa kanya.

"Ah-eh."

"Okay lang kung wala."

"H-hindi meron talaga akong regalo sayo."

"Asan na?"

"Sa party ko na lang ibibigay para surprise." nakangiting sabi nito.

"May nalalaman ka pang pa-surprise sige na nga."

"Tara!" sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

My heart skipped a beat.

What was that for?

"T-teka san mo ko dadalhin? Kararating ko lang tsaka huyy may klase pa tayo." sabi ko sa kanya nang simulan na niya akong hatakin palabas ng school.

"Basta sumunod ka na lang." sagot nito.

"Sinama mo pa talaga ako para mag-cutting class ano?"

"Hahaha patawa ka talaga kahit kelan Mr. Cap. Alam mo bang last week pa sinabi na walang klase ngayong araw di ka talaga nakikinig e noh?"

"Ano?" nakanganga kong tanong sa kanya.

"Oo halata naman diba walang katao tao rito sa school."

"Bakit di mo sinabi sakin nung weekend?"

"Nakalimutan ko e sorry na. Hahaha." natatawang sabi nito sabay peace sign.

"Eh bakit ka nandito ngayon?"

"Kasi alam kong papasok ka dahil alam kong di mo alam na walang pasok." paliwanag nito.

"Saan mo ba ko dadalhin?" tanong ko sa kanya nang hilain niya uli ang kamay ko.

Namula naman ang mukha ko pagkahawak nya uli ng kamay ko.

"Basta. Teka bakit namumula yang pisngi mo?"

"Ha? a-eh ano kasi sinusumpong ako ng allergy." natataranta kong sagot.

"Ganun ba ganyan talaga pag kutis mayaman." pang-aasar nito.

"Lagi mo na lang pinagdidiinan na mayaman ako e noh?"

"Totoo naman kasi."

Napabuntong hininga na lang ako.

"San mo ba talaga ako dadalhin?"

"Sa langit." nakangisi nitong sagot.

"Ano?"

"Sa langit." ulit nito.

"Nahihibang ka na ba? Baka naman ipa-salvage mo ako."

"Yun nga kaya nga sa langit punta natin diba? Ano ba sa tingin mong langit ang tinutukoy ko?" makahulugan nitong titig sakin habang naka-ngisi.

"Huyy hindi ko yon iniisip ah." depensa ko.

"Wala pa akong sinasabi."

"Seryoso saan mo ko dadalhin?"

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon