Carson
Pagkasakay ko sa loob ng kotse ay pinaharurot na agad ni Calvin ang sasakyan.
Habang binabaybay namin ang daan ay mas lalo pang lumakas ang bugso ng ulan.
Pareho kaming tahimik at wala ni isa samin ang may planong pag-usapan ang mga nangyari kanina.
Nakatanaw lang ako sa bintana ng kotse at pinanood ang pagpatak ng ulan habang inaalala si Will.
Nagulat ako nang biglang tumigil ang kotse.
Napatingin ako kay Calvin at makikita sa mukha nito ang pagkairita.
"I bet you're thinking about him. Am I right?" matalim na tingin nitong sabi.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"See. I knew it." bakas sa boses nito ang inis.
"Hindi ka ba nakokonsensya sa kanya? Iniwan na lang natin siya don sa ganung kalagayan." halos pabulong kong sabi.
"He's old enough to take care of himself." pabalang na sagot ni Calvin sakin.
Akmang bubuksan ko na ang kotse nang pigilan niya ako.
"Where do you think you're going?"
"Babalikan ko siya." sagot ko.
"So you're choosing him now over me?" bulyaw ni Calvin sakin.
"Wala akong pinipili. Nag-aalala lang ako sa tao." pasigaw kong sagot.
Sinubukan ko uling buksan ang pinto ng kotse at lalo lamang siyang naging agresibo. Hinablot niya ang dalawang kamay ko at marahas niya itong hinawakan.
"You're not going anywhere!" matalas nitong sabi.
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay namilipit sa sakit ang kamay ko.
Napahagulhol na lang ako sa iyak.
Tila bigla siyang natauhan at binitawan ako nito.
"Carson I'm sorry. I'm really sorry." rinig kong sabi nito.
"Masakit ba?" natataranta nitong sabi habang marahan nitong hinahaplos ang kamay ko.
"I'm sorry. Natatakot lang naman ako na maagaw ka sakin ng iba."
Nakayuko lang ako na tila namuo na ang takot sa kanya.
Nagitla ako nang paandarin nito ang kotse at niliko pabalik.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa park kung saan namin iniwan si Will.
Dagli-dagli akong lumabas ng kotse habang iniinda ang lamig ng patak ng ulan.
Naglakbay agad ang tingin ko sa parke pero ni anino nito ay wala.
"Will?" sigaw ko.
"Nakita mo na siya?" tanong sakin ni Calvin.
"Hindi pa." kinakabahan kong sabi.
"Baka kung ano nang nangyari sa kanya." pag-aalala ko.
"Baka sumilong lang siya kung saan. Let's go and find him."
Hinalughog namin lahat ng pwedeng masilungan pero hindi pa rin namin siya nahanap.
"Maybe he left already. Bumalik na tayo sa kotse at baka magkasakit ka pa." sigaw ni Calvin sakin sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.
Pagkabalik sa loob ng kotse ay binuksan na agad ni Calvin ang heater ng kotse.
Napansin agad ni Calvin ang panginginig ng buong katawan ko sa lamig.
Mabilis niyang tinanggal ang suot kong damit. Pagkaraan ay tinanggal din niya ang sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" pagtataka ko.
"Have you ever heard of body heat?" sarcastic nitong sabi.
Inirapan ko lang siya.
Lumapit siya sakin at niyapos ang katawan ko.
Mahigpit ako nitong niyakap.
Kulong na kulong ang maliit kong katawan sa brusko nitong hulma.
Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito na sumisingaw papunta sakin.
Napadaing ako sa init ng katawan nito na tila pumapailanlang sa loob ng sistema ko.
"Umuungol ka ba?" tanong ng tukmol.
"Tumahimik ka na lang diyan at gawin ang trabaho mo." walang kalatoy latoy na sabat ko sa kanya.
Natawa siya ng mahina.
Ramdam na ramdam ko ang paghinga nito sa bandang leeg ko.
Hindi ko tuloy mapigilan ang pagsidhi ng init ng katawan ko.
Napakalakas talaga niyang mang-akit kahit hindi niya sinasadya.
Ilang ulit pa siyang huminga ng malalalim.
Hindi ko na mapigilan at kakalas na sana ako sa yakap sa kanya nang marinig ko ang paghilik nito.
At tinulugan na nga ako ng mokong.
~*~
Nagising ako nang maramdaman ko ang bigat ng nakadagan sakin.
Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako.
Tinapik tapik ko sa balikat si Calvin para magising.
"Hmmm?" inaantok pang sambit nito.
"Gumising ka na at nangangawit na ako sa bigat mo."
Agad naman itong kumilos at kumalas sa pagkakadagan sakin.
Namula ako nang bigla ako nitong nakawan ng halik.
Inirapan ko lang siya.
Hinalikan uli ako nito.
Matamlay ko lang siyang tiningnan.
Ginawaran niya uli ako ng halik.
Nagulat na lang ako nang laliman nito ang kanyang halik sakin.
Agad akong nahalina sa kanyang imbitasyon kaya naman tinugunan ko ang halik nito.
Matapos ang aming halikan ay pinagdikit niya ang aming noo.
"Sorry kanina." marahang sambit nito sakin.
"Nadala lang ako sa emosyon ko kanina. Natatakot ako na baka ipalit mo ako sa iba." dugtong nito.
"Ang sakin lang naman ay dapat kino-konsidera pa rin natin ang nararamdaman ng iba sa atin." nakatitig kong tugon sa kanya.
Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon.
Niyakap ako nito ng mahigpit.
Sa init ng yakapan namin ay siya namang pagtila ng ulan.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...