Chapter Forty Four

221 8 14
                                    

Carson

Kinabukasan ay nagising nalang ako na mabigat at nangangalay ang aking katawan.

"Ugh shit." atungal ko habang kinukusot ang aking mga mata.

Pagkadilat ng mga mata ko ay bumungad sa paningin ko ang nakadagang si Calvin na mahimbing paring natutulog ngayon sa ibabaw ko.

At talagang pinaibabawan pa talaga ako ng mokong.

Kaya pala nangangalay na katawan ko ay may nakadagang baboy na pala sakin.

Nakasubsob ang ulo nito sa aking leeg kaya naman bawat singaw ng paghinga nito ay ramdam ko.

Ibayong kiliti ang hatid nitong init sakin.

Hindi ko mapigilang kiligin sa posisyon namin ngayon.

Bigla akong namula nang maramdaman ang pagkislot ng pagkalalaki nito mula sa aking katawan.

Bigla akong napamura at walang pagdadalawang isip na bumangon dahilan para magising siya.

"Napaka-KJ mo talaga minsan na nga lang kitang mapaibabawan inistorbo mo pa ko." reklamo nito habang kinakamot ang ulo nito.

"Manyak! hoy napakabigat mo kaya." usal ko sa kanya.

"Sus mabigat daw ang sabihin mo ayaw mo lang ako pagbigyan. Ang aga-aga nanggigising." bulong nito ngunit rinig ko.

"Hindi naman kita gigisingin kung hindi nanuklaw yang alaga mo." depensa ko.

Bigla naman siyang napataas ng kanyang kilay.

Ilang sandali pa ay naintindihan na niya ito at biglang napatakip sa kayang umbok sa harapan.

Napahagalpak ako ng tawa.

Bigla naman itong ngumisi kaya napatigil ako.

Nagulat nalang ako nang itulak ako nito pahiga sa kama at pinaibabawan.

Seryoso itong nakatingin sakin.

Ang mga mata nito ay tila gutom.

"Gusto mo tuklawin ka uli ng sawa ko?" nakangisi nitong tanong.

Hindi ako nakaimik at namula na lang.

Namilog ang dalawang mata ko nang bigla niyang ikiskis ang umbok nito sa gitna ng katawan ko.

Walang pag-aalinlangan ko siyang tinulak.

"Manyak!" naiinis kong sigaw sa kanya.

"You like it?" nakangiting tanong nito.

Bumaba ang tingin ko sa umbok nito at nagulat nang makitang lumaki ito kumpara kanina.

Sa hapit ng kanyang suot na boxer shorts ay kitang kita ko ang hulma ng alaga nito na tayong tayo na at tila gustong kumawala sa kanyang kulungan.

Agad akong napaiwas ng tingin.

Napansin naman niya agad ang pagkailang ko.

"Sige iwan na muna kita rito at papahupain ko lang 'to." sabi nito sabay turo sa kanyang umbok.

Kinindatan ako nito at nagtungo sa kanyang banyo.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon