Chapter Thirty One

288 33 2
                                    

Carson

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Rise and shine.

IT'S WEEKEND!

Napatingin ako sa wall clock at nagulat nang makitang pasado alas diyes na pala ng umaga.

Napasarap ata ako sa pagtulog haha.

Kinuha ko ang phone ko na nasa study table at magulantang nang makitang sabog ang inbox ko ng messages at missed calls galing kay Mr. Cap.

WTF!

Sinimulan kong basahin ang laman ng mga messages niya sakin.

Good morning! :)
5:30 AM

May gagawin ka ba ngayon?
5:32 AM

Hey are you there?
5:33 AM

Don't tell me natulog ka kila Will?
5:35 AM

Hoy mag-reply ka naman!
5:40 AM

Ahh ganun so di mo ko papansinin
5:42 AM

May ibibigay pa naman sana ako tsk.
5:43

Well I guess you're not interested so
5:45 AM

Kung ayaw mo kong pansinin so be it
5:50 AM

Palibhasa mas close na kayo ni Will :(
6:00 AM

I'm in the middle of reading his messages/rants nang biglang mag-ring ang phone ko.

It's him calling.

Sinagot ko ang tawag niya.

"Hoyy tukmol ka anong ka-dramahan tong mga pinagte-text mo? pag di agad nakapag-reply di na namamansin? di ba pwedeng napasarap lang sa tulog?" bungad ko sa kanya.

"Ganun ba akala ko kasi ayaw mo na ko pansinin hehe." sabi nito sa kabilang linya.

"Alam mo ang drama mo. Saan naman nanggaling 'tong mga hinala mo kesho nakitulog ako kila Will at mas close na kami?"

"Totoo naman diba?"

"Ha? pa-paano?"

"Nevermind." matamlay nitong sabi then he ended the call.

Anong problema nun?

I tried calling him pero hindi niya ito sinasagot.

What's gotten into him?

Nagui-guilty tuloy ako.

Parang may kasalanan ako na hindi ko alam.

Nag-text ako sa kanya pero wala siyang response.

Nag-chat narin ako sa messenger pero hindi naman niya binabasa.

Argh! mababaliw na ko kakaisip kung anong problema nun bakit nagmamaktol siya sakin.

Tumayo ako saking kama at dumiretso agad sa gilid ng bahay kung saan naka-parking ang bisekleta ko.

Walang pagdadalawang isip kong sinakyan ang bisekleta at binagtas ang daan papunta sa subdivision nila Mr. Cap.

Naka-boxer shorts at sando lang ako kaya naman napapatitig sakin yung mga taong nakakasalubong ko sa daan.

Ganun na ba ako ka-macho para pagtinginan nila?

Binilisan ko nalang ang pagbibisekleta.

Nangangawit na yung mga tuhod ko nang marating ko yung bahay nila.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon