Mr. Cap
My heart is beating really fast.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin before I even hug him back.
"Salamat." naluluhang sabi nito.
Ngumiti lang ako sa kanya habang iniinda parin ang mabilis na tibok ng aking puso.
"Gusto mo kumain?" tanong nito sakin.
"Ng alin?" lutang kong sabi.
"Siyempre manok ano pa nga ba. Bakit may gusto ka pa bang gustong kainin?" tugon nito tsaka pumunta sa tapat ng mesa.
"Wala naman. Ikaw baka may iba kang gustong kainin sabihin mo lang ipapakain ko sayo." nakangising sagot ko sa kanya na siyang kinamula ng magkabilang pisngi nito.
"Uhm parang gusto ko ng ice cream." nakangiting sabi nito.
"Anong klaseng ice cream ba? yung hindi natutunaw-aray!"
Batuhin ba naman ako ng nirolyong damit nito na hindi pa nalalabhan.
"Tangek saan ka nakakita ng ice cream na hindi natutunaw?"
naasar nitong sigaw."Ito oh." sabi ko sabay turo sa gitna ng shorts ko.
"Gago!" sigaw nito tsaka ako uli binato ng kanyang damit mula sa labahan.
Tumama ito sa mukha ko.
Agad ko namang nasinghot ang amoy ni Carson mula sa damit.
Amoy na amoy ko ang pinaghalong pawis at pabango nito.
Holy shit!
Nakakaadik ang amoy nito.
It's getting me high.
Fuck!
Idiniin ko pa ang damit nito sa ilong ko at sininghot.
"Hoy anong ginagawa mo sa damit ko lapastangan ka!" sigaw nito tsaka lumapit sakin at hinila ang damit nito sakin.
"Ang bango mo pala kahit pawisan." nakangising sabi ko sa kanya.
"Bastos!" namumulang bulyaw nito.
Tinawanan ko lang siya.
Aalis na sana ito nang hilain ko ang kamay niya.
Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya.
Hinigpitan ko ang kapit dito at namula ang mokong.
"Tara bili tayong ice cream." sabi ko.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
My heart skip a beat.
What was that for?
Minadali ko siyang hinila at lumabas.
Pagkalabas namin ng bahay nila ay maulap tamang tama para gumala.
"Saan yung pinakamalapit na store dito?" tanong ko kay Carson.
"Sa kabilang kanto pa yun e."
"Then let's go!" excited kong sabi.
"Sure ka? malayo-layo rin yun pag nilakad."
Napatingin ako sa bisekleta nitong naka-parking sa gilid ng bahay nila.
"Sino ba nagsabing maglalakad tayo." sagot ko sa kanya at agad na nilapitan ang bisekleta nito.
"Marunong ka ba niyan?" pag-aalangan nito.
"Carson seriously? I own a car and I know how to drive it how much more sa pagbi-bisekleta?"
"Edi ikaw na may kotse." he mumbled.
Kinuha ko ang bike nito at sumakay dito.
"Let's go! sumakay ka na sa likod Carson." sabi ko sa kanya.
"Hindi na maglalakad nalang ako." sabi nito.
Lumingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.
"Sige ikaw rin kung gusto mong mapagod." sabi ko sa kanya at pinaandar ang bike nito palabas ng gate nila.
"Teka saglit hintayin mo ko!" sigaw nito at mabilis akong hinabol.
"Sabi ko naman kasi sayo sumakay ka na sakin."
Natahimik kaming pareho sa sinabi ko.
"I mean sumakay ka na sa likod ng bike wag ka na mag-inarte." sabi ko sa kanya.
Inirapan ako nito at padabog na umupo sa bandang likuran ng bike.
"Oo na Mr. Sungit!" bulyaw nito sakin.
Natawa ako sa sinabi nito.
"Ano ba talaga palayaw ko sayo Mr. Cap, Mr. Tampororot o Mr. Sungit?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Nakadepende yan sa mood mo kung ano itatawag ko sayo." sagot nito na lalong nagpatawa sakin.
"E ngayon anong tawag mo sakin?"
"Mr. Cap."
"So ibig sabihin Mr. Cap ang tawag mo sakin pag masaya ako?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Parang ganun na nga."
"Kung malungkot ako anong tawag mo sakin?" hamon ko sa kanya.
"Malalaman mo rin yun." nakangisi nitong sagot.
"So yung Mr. Tampororot kapag nagtatampo?"
Natatawang tumango ito.
"Grabe ka sakin ang dami mo nang ipinapangalan sakin. Kelan mo ba ko balak tawagin sa sarili kong pangalan?"
"Hmmm kelan nga ba?" sabi nito sabay kunwaring nag-iisip.
"Wag mo na ngang isipin okay na ko sa Mr. Cap." sabi ko sa kanya.
"Ikaw ba kelan mo ko bibigyan ng nickname?"
"Hmmm kelan nga ba?"
ginaya ko ang ginawa nito kanina at kunwaring nag-iisip."Loko loko ka talaga kahit kelan." natatawang sabi nito sabay hampas sa balikat ko.
"Ano tutuloy pa ba tayo o magtatawanan nalang tayo rito?" tanong ko sa kanya.
"Siyempre tutuloy ililibre mo pa ko ng ice cream diba." excited nitong sagot sakin.
"Wag na yung ice cream ko nalang" nakangisi kong asar sa kanya.
"Gagu!" sigaw nito sabay hampas sa braso ko.
"Ah-aray! makahampas ka naman sa braso ko wagas. Chansing ka!" asar ko uli sa kanya.
"Arte nito kala mo naman kung ka-chansing chansing." patutsada nito.
Naiiling ko nalang siyang tinawanan.
"Okay all aboard! kumapit ka sakin para hindi ka mahulog." paalala ko sa kanya bago paandarin ang bisekleta.
"Saan ako kakapit?"
"Sa pwet ko siguro." sarcastic kong sagot.
"Bwiset ka talaga Mr. Cap!"
"Kumapit ka sa katawan ko." sabi ko sa kanya habang minamaneho ang bisekleta.
"Sigurado ka?" nag-aalangan nitong tanong.
Napangisi ako.
"Oo naman pagkakataon mo na 'to para makapa ang mga pandesal ko." natatawa kong sabi sa kanya.
Hinampas uli ako nito at hindi na nakuhang umimik.
Panigurado akong namumula na ang mukha nito.
"Carson kailangan mo na talagang kumapit sa katawan ko paliko na yung daan!" taranta kong sigaw sa kanya.
Mabilis naman niya akong sinunod at mahigpit na pinulupot ang dalawang kamay nito sa aking katawan.
Matapos niya itong gawin ay nagwala agad ang puso ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...