Chapter Fifteen

300 42 1
                                    

"Can I court your bestfriend?"

Napanganga kami pareho ni Mr. Cap sa tanong niya.

"Ehem. you mean Carson?" pambabasag katahimikan ni Mr. Cap.

"Yes. What's wrong with that?"
sagot ni Will.

"B-but Carson is a—boy?" kontra ni Mr. Cap sa kanya habang napapakamot ito sa ulo.

"I don't see any wrong of loving the same gender because love is not about between men and women...it is about between two hearts." makabuluhang sagot ni Will kay Mr. Cap.

Napipi ako sa mga sinabi ni Will.

Pinagpapawisan na rin ako dahil sa hiya, kaba at awkwardness na pumapalibot saming tatlo.

Bigla namang lumingon sakin si Mr. Cap.

I flashed my "Di ko alam pinagsasabi ng mokong na yan." look.

After non ay binaling uli nito ang tingin niya sa pinsan niyang cool na cool paring nakaupo.

Pano niya nagagawa yon?

I mean nasa awkward situation kami tapos heto siya relax na relax lang.

Pero hindi ko maipagkakailang na-impressed ako sa mga sinabi ni Will.

Kung gusto nga ako nitong si Will e bakit ambilis naman ata?

Manliligaw agad?

Kakikilala ko palang sa kanya.

Ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko na may gusto itong si Will sakin.

"P-pero pinsan kakikilala niyo lang." pangongontra uli ni Mr. Cap sa pinsan niya.

"Why is that? I fell in love the moment I set my eyes on him."
sabi ni Will sabay tingin sakin.

Napayuko naman ako agad.

"Is that so—then it's a yes." sabi ni Mr. Cap.

Napaangat naman ang tingin ko kay Mr. Cap pagkasabi niya non.

Pinanliitan ko siya ng mata.

Putek na Mr. Cap to at ibubugaw pa ako.

Magpro-protesta pa sana ako nang biglang tumawa ng malakas si Will.

Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga bisita.

Eskandaloso pala 'tong isang 'to e.

Napakunot at napaangat ang kilay naming dalawa ni Mr. Cap.

"Hahahaha okay enough. Hahaha I can't take this anymore Hahaha." tawa nito.

Isa pa 'to pareho silang nakakainis tumawa ni Mr. Cap.

Ganun ba talaga tumawa ang mga mayayaman?

Yung tipong nakakainsulto.

"Hahahaha sorry."

Buti naman at tumigil na siyang tumawa.

Naka-ready na kasi yung paa ko sa silong ng mesa.

Pareho paring nakakunot ang noo namin ni Mr. Cap.

"Hahaha hayy couz di ka parin talaga nagbabago. You really think I'm going to court someone whom I just met for the first time? and you really think I'm going to court a man? You're such a fool couz hahaha." sabi nito sabay tawa ng mahina.

Kung kanina nakataas lang yung isang kilay ko ngayon magkasalubong na.

Buset to sukat pagtripan ba naman kami.

"Hahahaha you're really are back old brat! Napaniwala mo ako don ah hahaha." natatawang sagot ni Mr. Cap.

Buset tong magpinsang 'to!

At nagkampihan pa sa harap ko.

Wala paring tigil ang pagtawa nila and with that I felt my blood rush in.

"Kung sa tingin mo nakakatawa yung ginawa mo pwes hindi!" I burst out.

Napatigil silang dalawa sa pagtawa.

Kita ko ang gulat sa mga mata nila.

I excused myself at dire-diretso akong naglakad palabas.

That jerk ruined my night!

Sayang yung mga pagkain.

Tsaka sayang baka may pa-raffle mamaya.

Nasa labas na ako ng gate nang biglang may humila sa kamay ko.

"Mr. Cap?"

"S-sorry. Ako na humihingi ng dispensa para sa pinsan ko. Pagpasensiyahan mo na siya ganun lang talaga yon mahilig mang-trip."

"Sabihin mo sa kanya i-lugar niya yung pantri-trip niya hindi kasi nakakatuwa. Sige uwi na ako." sabi ko sabay hila nung kamay ko kay Mr. Cap.

Pero ayaw niya itong bitawan.

"Ano?"

"Kahit tapusin mo man lang yung birthday party ko oh alam mo namang ikaw lang ang kaibigang meron ako." pakiusap nito.

Eto na naman tayo.

Nakonsensiya na naman ako.

Iba rin talagang mangonsensiya 'tong isang to e noh. Wholesome!

Pero di tulad ng iba yung pangongonsensiya niya e sincere at totoo.

Tsaka pano mo matatanggihan 'tong isang 'to.

Nangungusap yung mata e.

Kahit sinong tao naman ata di makakatanggi pag mata na ang nangusap.

"Okay basta siguraduhin mo lang na hindi magpapakita yung pinsan mo na yon kundi malilintikan talaga yung isang yon sakin."pagbabanta ko.

"Hahahaha noted boss." sabi nito na natatawa sabay saludo.

Natawa na lang ako.

Sabay kaming pumasok sa loob ng mala-palasyo nilang mansyon.

"Mr. Cap may pa-raffle ba kayo?" out of the blue kong tanong sa kanya.

"Hahahahaha actually wala. Sorry Carson hahaha." tawang tawa nitong sagot.

"Pwede namang sumagot ng maayos talagang tinawanan mo pa ako."

"Nakakatawa ka kasi e."

"Ginawa mo pa akong clown."

"Hahahaha."

"Sana pala inimbitahan mo na lang ako para maging clown sa birthday mo." natatawa kong sabi.

Tumawa ito ng malakas pagkasabi ko non.

Hinampas ko nga. Kung makatawa kasi wagas e.

"Ano benta yung joke ko?"

"Hindi. Ang corny kasi."

Hinampas ko siya ulit sumusobra na e.

"Ah-aww uyy Carson tama na a-aww."

"Oh iho andito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap for you to start the program. At sino naman itong cute na binatang kasama mo?"

Napatigil kaming pareho ni Mr. Cap sa pagkukulitan.

Nakatayo sa harap namin ang isang diyosa.

"Sorry mom." sabi ni Mr. Cap sa diyosang nasa aming harapan.

Wait what?



To be continued...

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon