Mr. Cap
Patapos na ang huling klase namin nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Putek wala akong dalang payong.
I cursed out.
Napasimangot nalang akong napatitig sa labas kung saan patuloy parin ang pagbuhos ng ulan.
"Huy ano problema mo ba't ka nakabusangot diyan?" tanong ni Carson.
"I hate the rain." sabi ko sa kanya.
"Anong problema mo sa ulan? ang saya kaya pag umuulan." sabi nito then he stared lovingly at the pouring rain.
Psh. too messy for me.
"Uhm Carson, may dala kang payong?"
"Wala." sabi nito habang masayang pinagmamasdan parin
ang pagbuhos ng ulan.
"Fuck." bulong ko.
Napalingon siya sakin nang marinig ang pagmura ko.
"Bakit ka nagmumura diyan?"
"Naiwan ko yung payong ko tapos wala kang dalang payong. We're going to get wet!" tarantang sabi ko.
Tinawanan lang ako nito.
"Okay class dismissed." rinig kong sabi ng professor namin.
Tiningnan ko si Carson and guess what?
Ngiting ngiti ito at parang excited lumabas.
"Tara na." aya nito sakin.
"Wait, patilain muna natin yung ulan."
"Hibang ka ba? gagabihin tayo pag inantay pa natin yan tumigil."
"Pero malakas pa kasi yung ulan."
"Pinaglihi ka ba sa pusa o ano? Halika na! sa malapit mo lang naman pinark yung kotse mo di ba?"
"Actually sa dulo ng parking lot ko na-park yung kotse ko." sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo ko.
"Oh edi mas masaya kung ganun."
"What?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Ang saya kaya magtampisaw sa ulan." he said dreamily.
"How about our bags then?"
"Don't worry boyscout ata 'to." sabi nito tsaka binuksan ang bulsa ng kanyang bag at nilabas ang dalawang itim na plastic bag na pinaglalagyan ng basurahan.
"Bakit ka may dala-dalang ganito sa bag mo?" pagtataka ko.
"Ah paglalagyan ko sana yan ng mga basura sa flip n' sip mamaya." paliwanag nito.
"Okay." tipid kong sagot still not convinced with the idea of running under the pouring rain.
"Ilagay mo na yang bag mo sa supot para makaalis na tayo."
sabi nito habang nilalagay rin ang kanyang bag sa supot.
"Tara na let's get wet!" excited nitong sabi.
"Tama ba yung pagkakarinig ko let's get wet?" asar ko sa kanya.
"Tangek wet as in mabasa ng tubig-ulan, palibahasa iba na naman yang nasa utak mo."
"I'm not even saying anything." patay malisya kong sabi.
"Halika na nga."
Nagulat nalang ako nang hilain ako nito at diretsong kinaladkad papunta sa labas.
BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...
