Chapter Three

744 60 17
                                    

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko.

Ngayon kasi ang unang araw ko sa bagong University kung saan ako nakakuha ng scholarship.

Ramdam na ramdam ko ang labis na pagkasabik.

"Sa wakas!" bulong ko habang nasa harap ako mismo sa gate ng University.

Napasinghap ako nang bigla akong mapatid mula sa likod ng kung sino.

Napalingon agad ako.

"S-sorry po." nakayukong paumanhin ng taong nakapatid sakin.

Naka-cap siya ng blue.

Hindi naman siguro si Mr. Cap to diba?

"Naku okay lang." sabi ko rito.

Napaangat siya ng tingin.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang mukha niya.

Teka bakit andito siya?

Don't tell me dito rin siya nag-aaral?

Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang mamukhaan niya ako.

Ilang segundo rin siyang natulala sa gulat bago ito nagmadaling pumasok sa loob ng school.

Sinimulan ko na rin ang paglalakad at hinanap ang room na nakasulat sa schedule ko.

~*~

15 minutes na akong naglalakad at nag-iikot pero di ko pa rin nahahanap ang room ko.

Wala naman akong mapag-tanungan na estudyante dahil karamihan sa kanila ay nagmamadali yung iba naman nasa kanya-kanya na nilang room.

Limang minuto nalang at male-late na ako nito sa unang klase ko at ayokong mangyari yon.

Panigurado magiging sentro ako ng atensyon pag nagkataon.

Bilis bilis akong naglakad at natatarantang hinanap ang mailap na room.

Hingal na hingal ako nang sa wakas ay nahanap ko na ang room.

At gaya nga ng sinabi ko kanina.

Agad akong naging sentro ng atensyon.

Nakabaling ang lahat ng mga mata sa kinatatayuan ko ngayon.

Sumenyas naman ang Instructor na nasa harap na pumasok ako.

Nanginginig man sa kaba at hiya ay pilit akong kumilos.

Naglakad ko papunta sa likuran.

Pilit kong ininda ang mga matang kasalukuyang nakabaling sakin.

Pagkaupo ko sa upuan ay hudyat sakin para makahinga ng maluwag.

Nanumbalik at dumoble ang kabang naramdaman ko kanina nang mapansin kong hindi pala ako nag-iisa sa sulok.

Meron pala akong katabi.

Lumingon ako para kumpirmahin kung sino ang katabi ko.

Hindi ako makapaniwala.

Muntik na akong mapamura sa gulat nang makita kung sino ito.

Si Mr. Cap.

So kaklase ko pala siya.

Nananaginip ba ako?

Napalingon siya sakin nang mapansin niyang tinititigan ko siya.

My heart skipped a beat nang bigla siyang ngumiti.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon