Chapter Thirty Six

288 33 11
                                    

Mr. Cap

It's already past 6 nang makauwi na ko sa bahay namin.

Dumiretso agad ako sa kwarto at humilata sa kama.

Tumingala ako sa kisame ng kwarto at napangiti nang maalala ang lahat ng nangyari kanina.

That kiss.

It was surreal!

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagsisigaw.

Ugh.

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang maalala ko ang ungol niya.

How he moaned from my touch.

I can't help but to feel a sudden arousal.

Bulge is already forming in between my pants

Fvck!

Nagitla ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.

"Iho kakain na." rinig kong sabi ni Manang mula sa labas.

Tinakpan ko agad ng kumot ang katawan ko nang biglang pihitin ni Manang ang pinto at pumasok sa loob.

"Ah s-sige po sunod nalang po ako sa baba." natatarantang sabi ko.

"Oh sige bilisan mo na diyan at lalamigin ang ulam."

"Sige po salamat."

Tumango ito at lumabas ng kwarto.

Napahinga ako ng maluwag pagkalabas ni Manang.

Good thing di pa ko nagpapalit ng pajama or boxers kung hindi timbog si junior.

Pagkababa ko sa kusina ay nakahanda na ang hapunan.

"Oh Manang bat di pa kayo kumakain?"

"Aba'y syempre hinihintay kita iho. Tama ba namang mauna akong kumain nang wala ka."

"Manang talaga okay lang po sakin yun."

Bale sumasabay na sakin si Manang sa pagkain lalo pa at wala naman akong kasamang kumakain pag andito ako sa bahay.

"Oh iho bakit ngiting ngiti ka ata ngayon?"

"Ha? hindi naman ah si Manang talaga oh."

"Aysus palusot ka pa iho e abot hanggang tenga yang ngiti mo."

"Halla si Manang parang hindi naman."

Naiiling nalang si Manang sa pagpapalusot ko.

"May maganda bang nangyari kanina?" bulong nito sakin.

Namula ako nang maalala ulit ang mga nangyari kanina.

"W-wala naman po." nauutal kong sagot.

"Kasama mo si Carson kanina?"
out of the blue nitong tanong.

"O-opo nakisabay siya sakin sa pag-uwi."

"Ahh kaya pala." ngiting ngiting sabi ni Manang.

"Ang alin po?"

"Wala ay naku mabuti pa kumain na tayo alam kong nagutom ka sa biyahe."

Napakibit balikat nalang ako at kumain.

~*~

Kinabukasan makulimlim ang panahon kaya naman nagdala na ako ng payong baka umulan na naman kasi mamaya.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon