Chapter Twenty Three

241 38 0
                                    

Carson

"Paano ba yan ilang minuto nalang aalis ka na." bulong ni Mr. Cap habang nakatitig sa palubog nang araw.

Nakaupo kami ngayon sa tuktok ng kotse niya habang sabay na pinapanood ang paglubog ng araw.

"Mr. Cap..."

"Hmm?" sabi nito na hindi ako nililingon.

"May gusto kasi akong aminin sayo."

Agad siyang lumingon pagkasabi ko nito sa kanya.

Ewan ko pero mukha siyang kinakabahan sa kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Dumidilim na ang paligid nang magdesisyon akong basagin ang katahimikan.

"Mr. Cap ano kasi...hin—

"Carson, pwede bang ako muna ang magsalita?" pagpuputol nito sakin.

"Oh. okay sige." naguguluhan kong sabi.

"Thanks. Okay so here it goes..." sabi nito sabay hinga ng malalim.

"Uhm. Carson ang totoo niyan e..." bakas ang kaba sa boses nito.

"Kasi a-ano...uhm." utal nitong sabi.

"A-ano nga?" atat kong tanong sa sasabihin niya.


"I think I like you, Carson."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at natulala nang sabihin niya iyon sakin.

"I-I mean I like you as a brother.You're just like a little bro to me." paglilinaw nito nang makita ang reaksyon ko.

"Ganun din ako, parang kapatid narin ang turing ko sayo." sagot ko.

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa pagkatapos.

Tanging ang mga bituin sa kalangitan lang ang nagsisilbing liwanag sa lugar.

Wala akong marinig maliban sa puso ko na walang humpay sa pagtibok.

Naririnig kaya niya?

"Hatid na kita baka ma-late ka pa sa flight mo." he tried to sound cheerful but his voice gave him away.

Akmang aalis na siya sa pwesto niya nang pigilan ko siya.

"Saglit."

"Ano yun?"

"Hindi mo man lang ba papakinggan yung sasabihin ko?"

"S-sorry, what is it again?"

"Uhm...kinausap ako kanina ni Tita.She had given me the right to decide whether to stay here or not."

Biglang lumiwanag ang mukha nito.

Hope is written all over his face.

"So anong pinili mo?" he asked me casually while trying to supress a smile.

"I chose to stay."

Nagulat nalang ako nang yakap yakap na pala ako nito.

He laughed in between his sobs right into my shoulder.

For a moment my mind refuse to respond but my body do it anyway.

I hugged him back.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin for what seem like forever.

He smiled shyly.

"Thank you for choosing to stay." panimula nito.

"Ang hirap mo kasing iwan." bulalas ko.

"B-bakit?"

"Kasi baka may mangyaring masama sayo kapag wala ako sa tabi mo, may pagka-shonga ka pa naman minsan."

"Awww ang sweet talaga ng bestfriend ko." sarcastic nitong sagot.

Sabay kaming tumawa ng malakas.

"Pero seryoso? bakit?"

"Kailangan ko pa ba talagang sagutin yan?"

"Yup, whether you like it or not."

"Pwedeng bukas ko nalang sabihin?"

"Nope. it's now or never."

"Hindi pa ba obvious kung bakit?"

"Hindi pa."

"Argh!" naiirita kong sigaw.

"Hindi mo naman na kasi yun kailangang malaman pa." sabi ko sa kanya.

"Para sakin importante yun." he insisted.

"Kung mapilit ka s-sige sasabihin ko na...Ang totoo kasi niyan na-attached na ako sayo ng husto.At malaki na ang naging parte mo sa buhay ko."

Ngumiti siya pagkasabi ko nito sa kanya.

Umiiling akong nakatangin sa kanya habang di parin nito maalis ang ngiti sa kanyang labi.

"Happy?" biro ko.

"Sobra." sagot nito.

Pagkatapos nun ay mahabang katahimikan ulit ang namayani sa pagitan naming dalawa.

Pasimple itong umurong palapit sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magdikit ang braso naming dalawa.

Ramdam ko bigla ang pamumula ng aking mukha kaya naman awtomatiko akong napayuko.

Sinundan niya ako ng tingin.

Walang pasabi akong lumingon sa kanya.

Agad naman siyang umiwas ng tingin.

Napakagat ako saking labi sa kakaibang pakiramdam na ngayon lang umusbong sakin.

Nagitla ako nang umakbay siya sakin.

Magproprotesta sana ako pero nakatingala lang siya sa mga bituin na parang walang nangyari.

Napatitig tuloy ako sa maamong mukha nito.

Nagulat ako nang higpitan pa niya lalo ang pagkaka-akbay sakin.

Dahil dun naglapit ang katawan namin sa isa't isa.

At sa puntong yun nag-aalboroto na ang puso ko.

Sobrang bilis ng tibok nito.

At sigurado akong ramdam niya rin ito.

To be continued...

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon