Chapter Twenty

318 39 0
                                    

Mr. Cap

Napabangon akong nakabusangot sa aking higaan nang marinig ang nakakairitang tilaok ng manok ng aming kapit-bahay.

Kainis naman oh.

Pasado alas sais palang.

Sarap litsunin nung manok!

No choice ako ngayon kundi bumangon.

Pumunta ako sa kusina.

Sakto namang nagluluto na ng agahan si Manang.

"O iho ang aga mo ata ngayon?" tanong nito habang nagpriprito.

"Oo nga manang e wagas kasi makatilaok yung manok nung kapit bahay natin."

Tumawa si Manang.

"Mabuti na yon para may alarm clock ka araw araw na di kailangang i-reset kada oras." sabi nito.

"Actually may point ka don, Manang." nakangiti kong sagot.

Ngumiti siya pabalik sakin.

"Asan na pala yung kaibigan mo?" pag-iiba nito ng usapan.

"Ah umuwi na po kahapon."

"Akala ko natulog siya rito?"

"Ah hindi po Manang may trabaho kasi yon." paliwanag ko.

"Ganun ba napakabait namang bata. Ang laki ng pinagbago mo iho magmula nang dumating siya sa buhay mo. Parang kelan lang nung mga araw na mas gusto mong mag-isa." pagbabalik tanaw nito.

"Kaya nga po e malaki ang utang na loob ko sa kanya na pinili niya akong maging kaibigan."

"Don ka nagkakamali iho. Ni minsan hindi utang na loob ang pakikipag-kaibigan yan ang tatandaan mo." makabuluhang pangaral sakin ni Manang.

"Salamat po, Manang."

Pumunta ako sa pwesto niya at binigyan siya ng isang napakalaking panda hug.

"Uyy yung priniprito ko sandali! Ikaw talagang bata ka." natatawang sita nito sakin.

Tumawa lang ako at kinalas ang yakap ko sa kanya.

Pangalawang ina na ang turing ko kay Manang.

Mula pagkabata siya na ang nag-alaga sakin kapag wala sina Mama't Papa sa bahay dahil sa kanilang mga trabaho.

7:30 na nung matapos ako sa mga morning rituals ko.

Pumunta ako sa garahe ng aking kotse.

Pumasok ako sa loob nito then I start the engine and head off the road.

Smooth and moderate ang daloy ng mga sasakyan ngayo't maaga pa.

May mapapala din pala ako sa tilaok ng manok ng aming kapit bahay.

Napangiti ako.

Nakarating ako sa school 15 minutes before 8.

"Couz!"

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon