Chapter Six

500 51 0
                                    

Kinaumagahan ay dagli-dagli akong kumilos dahil late na naman ako.

15 minutes na lang at mahuhuli na ako sa unang klase namin.

Pagkarating ko sa classroom ay patapos na ang lecture sa unang subject namin.

Napatingin ng masama sakin ang instructor namin.

Napayuko tuloy akong pumasok sa loob.

Bilis bilis akong pumunta sa upuan ko.

"Bakit late ka ata ngayon?" salubong sakin ni Mr.Cap na hindi ko napansin dahil sa sobrang pagka-batrip.

"Di gumana yung buset kong alarm clock!" inis kong sabi sa kanya.

Tinawanan lang ako nito.

Napatigil naman ito nang samaan ko siya ng tingin.

"Oops sorry hahahaha." sabi nito sabay peace sign.

Buong klase tuloy akong nakabusangot dahil sa inis.

Agad namang napansin naman yon ni Mr. Cap.

"Huyy bakit ka naka-whacky face?" biglang tanong nito.

Napakunot naman ang mukha ko sa sinabi nito.

"Anong whacky face ang pinagsasabi mo?"

"Yan oh yan." sabi nito sabay turo sa mukha ko.

Mas kumunot tuloy ang mukha ko.

"Relax! hahaha masyadong mainit ulo mo. Ba't kanina ka pa bad mood diyan? Meron ka noh? hahaha." sabi nito sabay hagalpak ng tawa.

"Buset ka. Ahead na kasi kayo ng isang lesson dahil nga na-late ako kanina ng dating kaya di ko naabutan yung lecture." sabi ko sa kanya sabay buntong hininga ng malalim.

"Yun lang ba? wag kang mag-alala ituturo ko na lang sayo yung tinuro kanina nung instructor."

Biglang lumiwanag ang mukha ko pagkasabi niya sakin non.

"Talaga?" nakangiti kong tanong.

"Kung okay lang sayo?"

"Siyempre naman noh!"

"Wahh thank you! Salamat talaga!" dugtong ko.

Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ko.

Napayakap ako sa kanya.

Napayakap ako sa kanya na hindi man lang nag-iisip.

Ganito talaga pag sobra ang saya ko.

Hindi ko namamalayan yung mga pinaggagawa ko.

Agad naman akong napahiwalay ng yakap sa kanya.

"S-sorry nadala lang ako."
nakayuko kong sabi sa kanya.

Hindi siya umimik kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.

Nakita ko ang pamumula ng mukha nito.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon