Carson
Paalis na ako ng bahay nang marinig ang pag-busina ng kotse sa labas.
Agad naman akong kumilos at binuksan ang gate ng bahay.
Sa tapat ng bahay ay nakaparada ang itim na Mercedes Benz.
Kanino naman kayang kotse ito?
Bumukas ang kotse at lumabas rito si Calvin na pormadong nakasuot ng uniporme at naka-brush up ang buhok.
Ngumiti agad siya nang makita ako.
Ngumiti ako sa kanya pabalik.
"Anong ginagawa mo rito?" bungad ko.
"Boyfriend duties. Simula ngayon ihahatid na kita papunta at pauwi." nakangisi nitong sabi.
Lalo akong napangiti sa sinabi nito at namula.
"Naks naman lakas maka-personal driver." biro ko sa kanya.
Nawala ang ngiti sa labi nito at napanguso.
Ngayon ko lang nasilayan ang pag-pout nito.
Napaka-cute niya.
"Dapat pala nag-hire ka na lang ng personal driver mo." nagtatampo nitong sabi.
"Agi nagtampo na naman si Mr. Tampororot." sabi ko sa kanya at hinawakan ang mukha nito.
Nakanguso parin ito kaya naman piniga ko magkabilaan ang pisngi nito.
"Kapag hindi ka pa tumigil sa kaka-nguso diyan hahalikan na kita." banta ko sa kanya.
"Yes please." sagot naman nito at nilapit ang nguso nito sakin.
Agad naman akong napalayo sa kanya.
"Calvin ano ba napaka-baboy mo talaga." natatawa kong sabi habang iniiwasan ang nakangusong labi nito.
Natatawa naman itong tumigil at sumandal sa kanyang kotse.
"Hindi parin ako makapaniwala na tinatawag mo na ko sa tunay kong pangalan." sambit nito.
Kita ko ang tuwa sa mga mata nito.
"Hindi ko rin alam kung bakit natagalan marahil siguro ay hinintay ko lang ang pagkakataong ito-na mapasayo ako at ikaw ay mapasakin." sambit ko habang lumalapit sa kanya.
Napangiti siya nang marinig ito.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan siya sa mata.
Maalab naman ako nitong tinitigan pabalik.
Ilang sandali pa ay nadapo ang tingin nito pababa sa labi ko.
Akmang hahalikan na ako nito nang biglang tumunog ang wrist watch ko.
Napatingin ako rito at nagulat nang makitang alas otso na.
"Naku late na tayo." pagmamadali ko at nagtungo papasok sa kotse nito.
Napakamot naman siya ng ulo at sinundan ako.
~*~
Nang makababa kami sa kotse nito ay nagulat ako nang hawakan nito ang kamay ko.
Namumula naman akong napatingin sa kanya.
Napangiti siya sa sakin.
Ginalaw ko ang aking kamay na kanyang hawak at pinunan ang pagitan ng mga daliri nito ng akin.
Namula agad ang mukha nito na siyang ikinatuwa ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...