Carson
WARNING: R-18 (SPG)
"Paabot pa nga nung nutella." utos ko kay Mr. Cap.
"Wala na." rinig kong sabi nito habang ngumunguya ng chichirya.
"Teka ambilis naman naubos."
"Oo kanina mo pa nilalamutak e panong di mauubos?" reklamo nito.
"Hoy nakakailang tinapay palang ako. Baka naman ikaw ang umubos." irita kong sagot.
By the way nakaupo kami ngayon ni Mr. Cap sa couch ng kwarto niya at kumakain ng mga junk foods & sweets habang nagmo-movie marathon ng Harry Potter Series.
"Nakikita mong kumakain ako ng chichirya panong ako ang umubos?" sabi nito habang tutok na tutok sa TV.
"Malay ko ba kung nilagyan mo yang chichirya mo." sabi ko.
"Really? Carson pati chichirya talaga?" natatawa nitong sabi.
Ayan na naman siya sa tawa niya.
Yung nakakainsultong tawa niya.
"Bakit pwede naman yon ah." giit ko.
"I don' think so weirdo lang gagawa non."
"Okay kung ganun uu—
Di ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay pinutol na niya ito agad.
"May stock pa sa ref kunin mo na lahat pero please lang wag ka munang umuwi." mabilis nitong sabi.
Natawa ako.
Agad akong nagtungo sa sarili nitong ref.
Rich kid talaga 'tong si Mr. Cap.
Ikaw ba naman magkaroon ng sariling ref sa kwarto na puno ng pagkain.
It turns out na totoo naman yung sinabi ni Mr. Cap.
Marami pang stock ng nutella.
Naku mukhang paborito rin niya ang nutella.
Anyways nawindang ako nung buksan ko yung fridge ng ref niya.
Punong puno lang naman ng iba't ibang brand ng chocolates ang laman.
Pero di halata sa kanya na mahilig siya sa sweets.
Mukha kasi siyang bitter palagi.
Just kidding.
"Bakit antagal mong kumuha?" salubong sakin ni Mr. Cap pagbalik ko sa couch.
"Ah di ko kasi nahanap agad." palusot ko.
"Weh?"
"Okay tiningnan ko yung mga chocolate mo. Big deal?"
"Big deal talaga sakin yon lalo na pag nabawasan." makahulugan nitong sabi.
Nakonsensya naman ako.
"Ang damot mo talaga kahit kelan. Oh yan na yang chocolate mo baka mamaya sumakit pa tiyan ko diyan." sabi ko sabay bato sa kanya nung maliit na Cadbury na kinuha ko sa fridge niya.
"Di ka na nasanay sakin bestfriend hahaha syempre joke lang." sabi nito sabay abot sakin nung Cadbury.
Mabilis kong hinablot ito sa kamay niya.
"Kala ko naman kung ako na ang pinaka-adik sa chocolate may mas aadik pa pala sakin." natatawa kong sabi sa kanya.
Inirapan ako nito.
Ang cute nung pagkakairap niya.
Di bagay sa maamo nitong mukha.
"You can't blame me I just love chocolate." sabi nito.
BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...