Chapter Eighteen

298 43 0
                                    

Carson

Nagising ako sa panget na panaginip—okay sa bangungot.

Hinalikan daw ako ni Mr. Cap.

Putek!

Iniisip ko palang nandidiri na ako.

With all the dreams my mind had in store bakit yon pa ang napaginipan ko?

Pikit mata akong bumangon sa pagkakahiga sa malambot at mabangong kutson.

Bakit amoy pangmayaman ata 'tong kutson ko ngayon? di ko pa naman nilalabhan yung bed sheet.

Nagulat ako nang pagmulat ko iba na ang kwarto ko.

Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto.

Wait.

Hindi ko bahay 'to.

Nasaan ako?

Napatingin ako sa suot kong pajama at t-shirt.

Teka? bakit iba na yung damit ko?

Bakit ako napunta rito?

Ang alam ko nilalagnat ako kanina kaya hinatid ako ni Mr. Cap pauwi sa—

Wait nakatulog nga pala ako sa biyahe.

Buset na Mr. Cap sabi ko sa bahay namin niya ako iuwi.


Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang labas nito.

Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang pamilyar na landscape.

Napamura ako.

Okay nasa bahay ako nila Mr. Cap.

Wait.

What?

Kailangan kong makalabas rito.

Pumunta ako sa pintuan at pinihit ang door knob.

I cursed myself out nang malamang naka-locked ang pinto.

Napahiga na lang ako sa kama out of frustration.

Dumapa ako at sinubsob ang mukha ko sa unan.

Nagulat ako nang masinghot ko mula sa unan ang amoy ni Mr. Cap.

His familiar manly scent.

Napalayo agad ako sa unan at namula.

Shete!

Parang inamoy ko na rin siya.

Kadiri.


Pagtagilid ko sa kama ay natapat sa mukha ko ang picture frame ni Mr. Cap na naka-display sa study table nito.

Ito pala ang kwarto niya.

Yung totoo? Isang buong bahay na 'to e kung tutuusin sa sobrang lawak.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon