Mr.Cap
Napabalikwas ako sa aking higaan.
Past 12 na pero hindi parin ako makatulog.
Paulit ulit na nagre-replay sa utak ko yung mga nangyari kanina.
Yung sayang naramdamam ko nung sabihin niya saking hindi na siya aalis.
Nung sabihin niya sa aking parte na ako ng buhay niya.
Lalo na nung naglapit ang mga katawan namin sa isa't isa nang akbayan ko siya.
At yung sandaling naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso nito.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala iyon.
Binuksan ko yung phone ko at pumunta sa gallery.
I click on the photo.
It's a stolen shot of Carson holding a nutella while smiling from ear to ear.
Priceless!
Mukha akong timang na nakangiti ngayon habang nakatitig sa litrato niya.
Hindi ko maipaliwanag pero ibang saya ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang nakangiti.
~*~
"Iba ka ata makangiti ngayon couz ah." komento ng pinsan ko habang naglalakad kami sa hallway ng school.
"Bakit bawal na bang ngumiti ngayon?" sagot ko sa kanya.
"Hindi naman, pero iba kasi yung ngiti mo ngayon e." usisa nito tsaka ako inikutan na tila ini-imbestigahan ang bawat galaw ng mukha ko.
"P-paanong iba?" tanong ko sa kanya.
"Yun bang parang may nangyaring maganda sayo kahapon nang di ko nababalitaan." makahulugang sabi nito.
"A-ano? w-wala kaya." depensa ko.
"Kung ganun, bakit ka wala sa klase kahapon?"
"K-kasi umuwi ako. I have colds yesterday." palusot ko.
"Talaga ba?"
"Oo nga."
"Ows?"
"Ano ba sa tingin mo ang ginawa ko?"
"Uhm party, walwal with friends and the likes."
Napatawa ako ng malakas sa sinabi nito.
"Really? couz, are you referring to yourself?"
"Huh? h-hindi ah! Good boy kaya 'to." proud nitong depensa.
"Hahaha hindi halata." sabi ko sabay tawa ng malakas.
"Napaka-supportive mo talagang pinsan kahit kelan." nagtatampo nitong sabi.
Sabay walk out kuno.
Napailing nalang ako habang tumatawa.
~*~
Pagdating ko sa classroom ay andun na lahat ng kaklase ko except Carson.
Fear crept on me.
What if nagbago ang isip niya?

BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...