Mabilis na dumaloy ang mga araw pero hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari sa jeep nung isang araw.
Mabuti na lang at nitong mga nakaraang araw ay naging busy ako sa pag-aasikaso ng Transcript of Records ko para sa nalalapit kong paglipat ng school.
Nakakuha kasi ako ng scholarship sa isang University.
Matapos kong ipasa ang lahat ng kailangang ipasa sa lilipatan kong school ay napagpasyahan ko munang sumaglit sa mall tutal mamayang gabi pa naman ang shift ng trabaho ko sa pinapasukan kong burger stand.
Malapit lapit naman yung mall kaya nilakad ko na lang.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang maisipan kong tingnan ang laman ng wallet ko.
Halos manlumo ako nang malamang 30 pesos nalang ang natira.
Yung bente pamasahe ko pa pauwi.
Napasapo nalang ako sa aking noo.
Anong mabibili ko sa sampung piso?
Kasalukuyan akong nasa tapat ng mall at nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba ako o hindi.
Bago pa man ako makapagdesisyon nauna nang kumilos ang mga paa ko na animo'y may sariling isip.
Nahanap ko nalang ang sarili ko sa loob ng bookstore.
Nadapo agad ang tingin ko sa mga librong nakahilera.
Kinuha ko yung isang libro at itinapat ito sa ilong ko at mariing sininghot.
Medyo weirdo tingnan pero ganito talaga ako kapag nasasabik sa mga libro.
Napatigil ako sa pagsinghot nang mapansing hindi pala ako nag-iisa sa sulok na yon ng bookstore.
Napalingon ako sa kanya.
Nakasuot siya ng blue na Cap.
Bigla akong napamura sa isipan ko nang mamukhaan ko siya.
S-siya yung nasa jeep nung isang araw—si Mr. Cap.
Kasalukuyan siyang nakatingin sakin na parang may ginawa akong masama.
Na-weirduhan siguro sakin.
Di ko siya masisisi.
Pero ilang saglit lang ay kita kong pumorma ang pagkagulat sa kanyang mukha.
Namukhaan na rin niya siguro ako.
Ang slow naman niya.
Mabilis niyang inalis ang tingin niya sa akin at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Naghahanap siya ng libro sa may classic novel section.
Palihim ko siyang tiningnan.
Kalkal dito, kalkal doon.
Mukhang nahalata niyang tinitingnan ko siya kaya tinigil niya ang kanyang ginagawa at umalis sa sulok na yon.
Siguro nailang siya sa presensya ko.
Hindi ko alam pero napapangiti akong malamang mahilig din siya sa mga libro.
BINABASA MO ANG
Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)
HumorTwo stranger two different life both belong to the same gender Carson used to live as an outcast not until he met this man whom he named, Mr. Cap. Will their first encounter lead them to friendship or something else deeper? May pag-asa kayang magkar...