Chapter Thirty Three

277 34 14
                                    

Mr. Cap

Tahimik kaming naglakad ni Carson papunta sa cafeteria ng campus.

Pansin kong namumula parin ang mukha nito magmula pa nung pisilin ko ang pisngi nito kanina.

Napasobra ata yung pagpisil ko kaya namumula parin.

Napalingon siya sakin nang mapansin niyang tinititigan ko siya.

Pareho kaming napaiwas ng tingin.

Okay this is awkward.

"Hindi ba tayo hahanapin sa klase? ilang minuto nalang kasi bago mag-first period." pambabasag katahimikan nito.

"Don't worry wala tayong klase sa first subject natin inannounce kanina."

"T-talaga?" halos tumalon siya sa tuwa nang malaman ito.

"Yup, bakit ansaya mo ata?"

"H-hindi noh." nauutal nitong palusot.

"Masaya ka ba dahil may opportunity ka para ma-solo mo ko?" nakangisi kong asar sa kanya.

"Yuck hindi noh kapal mo." sabi nito sabay hampas sa braso ko.

"Makahampas ka naman sakin wagas parang di mo ko bestfriend ah."

"Pasalamat ka nga hampas lang inabot mo." sabi nito.

"Aba iba ka rin e noh ako na nasaktan ako pa magpapasalamat?"

"Uhm parang ganun na nga."

"Grabe napaka-sadista mo talaga." sabi ko sabay himas sa braso ko na hinampas niya.

Tinawanan lang ako nito.

"Manhid na nga sadista pa." bulong ko.

"Ano yun? may sinasabi ka?"

"Ahh w-wala sabi ko anong gusto mong kainin."

"Ikaw bahala ikaw naman manlilibre."

Pilyo akong napangiti sa tinuran niya.

Lumapit ako sa kanya at humarap.

"A-anong ginagawa mo?" pagtataka nito habang umaatras palayo sakin.

Habang umaatras ito ay patuloy naman ako sa paglapit sa kanya.

Napangisi ako.

"A-ano na namang trip mo?" kinakabahang usal nito.

"Meron ka nang pagkain." sabi ko.

"Huh? naka-drugs ka ba o ano? wala naman akong nakikitang pagkain."

"Nakatayo na sa harapan mo ang pagkain." pilyong sabi ko sabay kindat.

"Bastos!" namumulang bulyaw nito tsaka naunang naglakad papuntang cafeteria.

Napahagalpak ako sa tawa habang sinusundan siya.

~*~

Bumili ako ng dalawang siopao at dalawang chocolate drink.

Hinanap ko siya kung saan siya naka-pwesto and there he is sitting at the corner of the cafeteria habang nakasalampak ang mukha nito sa mesa with this groggy look of him na balak pa atang matulog dito.

Pumunta ako sa kinauupuan niya.

He doesn't even notice my presence not until pisilin ko ang pisngi nito.

Mr. Cap (The Wattys 2019 Nominee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon